Chapter 04

57 47 3
                                    


---

I woke up exactly 4:00 am in the morning, matapos kong ligpitin ng kaunti ang pinagtulugan ay mabilis kong tinungo ang veranda, ang preskong hangin agad ang sumalubong sakin. Madilim pa, tanging ang ilaw mula sa kwarto ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa buong paligid. Automatikong sumilay ang maliit na ngiti saking labi ng maaninag ko ang garden, nandon ang ibat ibang sari ng bulaklak na natitiyak kong napakahalimuyak, may mangilan ngilan ding puno na hindi ko mawari kong punong prutas o punong hindi nakakain ang bunga.

It's beautiful...

Nasisiguro kong mas maganda pa ito kapag nasikatan na ng araw at kung matingnan ng malapitan. I closed my eyes and feel the morning breeze, a moment of silent filled my ears but I can hear some birds singing

So peaceful...

I don't know why, but I really do love nature. Ever since, I got worried of something, nature and it's finest somehow ease my feelings.

Limang minuto pa ang lumipas ng mapagpasyahan kong bumaba na at simulan ang paghahanda ng agahan. Nagsalin muna ako ng tubig sa baso at inimom ito bago tinungo ang note board at kinuha ang piraso ng papel na nakadikit, listahan ito ng mga pagkaing kakailanganin kong lutuin ngayong umaga, kagabi kasi I suggested to them na mas mabuting isulat nila ang gusto nilang kainin sa umaga para iyon ang sundin ko as long as the ingredients are present and available, ako naman ang bahala sa ulam tuwing hapunan, maging sa tanghalian ng sabado at linggo o kung kailan ay walang pasok sa paaralan

Pagkamungkahi ko non ay agad nag si Oo silang apat, nag-unahan pa nga sina tito at tita sa paglista samantalang sina Roli at Grayson naman ay naghanap ng note board at mabilis ikinabit sa kusina, si manang panay lang ang tawa.

I read the notes at halos magkapareho lang ang kanilang gusto sinangag at hotdog. Anak ka ng tinola! Seryoso ba? Hanggang ngayon ang hirap paniwalaan na sakin lang sila nakatikim ng ganitong agahan, talagang hindi pa sila nakakain ng fried rice kahit noon paman? Sa yaman nilang yan, pambihira!

Naloloka na talaga ako sa kanila, kakaiba silang pamilya!

Dati rati ay iniisip kong hindi maganda ang magkaroon ng mayamang pamilya, lagi kasing busy ang magulang at madalang lang magkaroon ng oras sa mga anak nila, na kahit nasaiisang bahay sila ay minsan lang itong nagkikita-kita o mag-uusap usap, ni hindi nga nila magawang magkamustahan sa isat isa, kaya noon paman ay ipinagsalamat kona sa Diyos ang buhay na ipinagkaloob niya samin, mahirap man at simple ngunit masaya at laging may oras ang isat isa.

Pero ngayon...
I think mali ang aking paniniwala.

Marahil Oo, meron talagang walang oras sa pamilya lalo pag business minded ka, pero hindi lahat pareho at ganon. Tulad ng pamilyang Jeminnez, sila ang patunay na hindi lahat ng mayayaman pera lang ang habol sa buhay, mas mahalaga parin talaga sa kanila ang pamilya kesa sa anung mamahaling bagay.

After I finished cooking, naisipan ko munang maligo na bago gisingin ang dalawa. Si Grayson lang naman ang mahirap gisingin lalo pa at makupad ito sabi ni tita, paakyat na ako ng si manang ay makasalubong ko

"Oh Eshiana, kanina kapa ba gising?"

"Opo manang, tapos na rin ako sa pagluto ng agahan"

"Napaka aga naman kung ikaw ay magising, na alala ko tuloy sayo ang nanay mo sobrang dedekado sa trabaho"

"Nakasanayan ko narin kasi ang gumising ng alas kwarto kahit pa walang alarm clock, kusang nagigising ang diwa ko"

"Mahabagin ka! Alas kwatro kamo? Sobrang aga nga, ako nga ay alas 6 impunto kung magising, hindi naman kasi kay aga-aga ang pasok ng mag asawa at nong dalawa" gulat ani manang at napahawak pa sa dibdib

Si Roli at Ako (Filamerian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon