Chapter 05

51 43 1
                                    

                                     
---

"Baby E, tama na muna yan. Kakain na tayo"

Napabuntong hininga ako at binitiwan nalang bigla ang notebook na hawak ko. Tatlong subject palang ang natapos kong aralin, may anim pang natitira. Nakakabanas nga't mukhang bumibigat ang talukap ng aking mata.

"Susunod po ako tita"

Mula dito sa kinauupuan ko ay kita ang anino ng mga paa nito, kinatok din niya ang kabilang pinto na nasisigurado kong aayahin niya ding kumain. Sunod ko nalamang narinig ay ang pagbukas at pagsira ng pinto, bago pa tuluyan silang bumaba kinatok muna ulit nito ang aking pinto ng tatlong beses. Mabilis kong iniayos ang mga papel na nakakalat, siniguradong hindi magliliparan ang mga ito at daling lumabas ng kwarto. Gutom nadin naman ako.

"Ate bat ka kumukulong sa kwarto mo?" napaka inosenteng tanong ni Grayson na ngayo'y may hawak na tinidor

"Ha? Kumukulong ba ako? Hindi naman auh"

"Yes you are kaya, kanina kapa nasa kwarto ngayon ka ngalang lumabas"

"Ahh yon ba... kasi baby nag-aaral si Ate, may exam ako bukas eh" ngumiti ito ng tawagin kong baby, naku naku ang cute ng baby ko

"I have exam too but... I'm not locking my self in my room. Nasa sala ako nagbabasa ng libro habang nanunuod ng pororo"

Akmang sasagutin ko sana ang tanong niya ng si tita ang nag salita

"Grayson listen, hindi lahat ng estuyante ay pareho ang strategy. Merong hindi sanay sa mataong lugar o sa kahit na anong maingay na bagay, nadi-distract  kasi sila at hindi makapag concentrate ng maayos sa pag-aaral, gusto nila mapag-isa, iyong solo ba. Meron din namang mas gusto grupo, iyong nagsasalitan ng tanong tungkol sa nire-review"

"I understand mom, pero...Ate can I join you?" naka pout na tanong ni Grayson

"Sure, baby." sagot ko at sinimulang magsandok ng ulam

"Pasensya na kayo at Adobo lamang ang naluto, nagmadali kasi ako para makapagreview kagad"

"Ikaw talagang bata ka! Sana ay sinabi mo sakin para ako ang nagasikaso dito sa kusina kanina at ng ganun ay nakapagpukos ka sa pag-aaral mo" peningot ni manang ang tenga ko

Aray ha...

"O di kaya ay tenext mo ako baby E, para sana ay nakauwi agad ako ng mas maaga" nagtatampong ani tita

"Okey lang naman po sakin yon, isa pa ayoko rin namang abalahin kayo kasi alam kong pagod din kayo sa inyong trabaho" naka ngiti kong sabi sa kanila

"Feel ko tuloy ang useless ko.."

Kunot noo kong tiningnan si tita sa winika niya, hinawi ko rin kagad at binaling ang attention sa pagkain dahil talagang gutom na gutom ako.

"Chef nga ako pero ni wala akong oras sa pagluluto dito sa bahay. Dati rati ay hindi naman ako sobrang busy, nagdagdagan kasi ng limang branches sa labas ng bansa ang JCC kaya gahol lagi sa oras si mommy"

Napatigil ako sa pagsubo at napatingin ulit kay tita ng ngayon ay sumisinghot singhot na

"Hon...wala namang problema kung minsan lang tayong papasok ng opisina, tatakbo naman ang companya kahit na wala tayo roon. Kikita parin yon ng billion billion. Ikaw lang talaga ang may ayaw gawin sa maganda kong suhesyon" sarkastikong sabat ni toto

Natawa ako sa pagiging sarcasm nito

"Kahit na! Ikaw talagang matshing ka, hindi mo ba naisip na kapag ginawa natin iyon ay mas lalong madagdagan at mahirapan ang mga employees natin sa trabaho" mas lalong natawa hindi lang ako kundi maging ang magkapatid sa ginawang pagbatok ni tita sa kanyang asawa

Si Roli at Ako (Filamerian Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon