Chapter 1

0 0 0
                                    

"Zedd may nagawa ba akong mali? Bakit ang lamig mo sa'kin ?kung tratuhin mo ako parang wala tayong pinagsamahan ?Bakit?" tanong niya dito.Nag-uumpisa na siyang kabahan sa maaari nitong sagot.

"Tigilan na natin to ,"  sambit nito. Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito sa kanya,tinignan niya ito sa mga mata.

"What do you mean?" naguguluhan parin niyang tanong.Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.

" Tapusin na natin kung anong namamagitan sa'ting dalawa ," sagot nito sa kanya .At dun nagsimula nang mamuo ang mga luha niya at ilang sandali lang ay tumulo na ito.

"Bakit  may Mali ba ako? nagkulang ba ako? ano ?tell me! Wag mo namang gawin sa'kin to oh ",naiiyak at nagmamakaawang sambit niya.

"Itigil mo nga yang pag-iyak mo wala tayo sa isang dramang palabas.Walang mali sayo at hindi ka nagkulang ,dahil ako ang mali dahil hindi ako ang karapat-dapat para sayo." tugon nito.

"W-wag m-mo n-ngang sabihin niyan kung alam mong hindi ka karapat-dapat sa'kin ede gumawa ka ng paraan para maging karapat-dapat sakin.Wag kang duwag!" singhal niya na napahagulhol na sa pag-iyak.

"Tumigil kana," ang tanging sagot nito.

"Wag mo akong sagutin nang ganyan-----" naputol ang sasabihin niya ng magsalita ito.

"Bakit anong gusto mong sabihin ko sayo ?I'm sorry dahil hindi kita mahal. Yan ba ang gusto mong marinig? " tanong nito sa kanya.At hindi siya nakasagot dahil nakaawang lang ang kanyang labi."Masakit diba?" dagdag nito.

"Please don't do this to me?" nagmamakaawa niyang sambit.

"Please lang lumayo kana sa'kin ........."  sambit nito at bumuntong hininga "habang buhay." dagdag nito at dun nadurog ang puso niya sa mga narinig na binitawang salita.At tuluyan na siyang tinalikuran nito.

Napabalikwas siya dahil sa panaginip niya.

Shit!Bakit na naman napa-naginipan ko yun ?Shit! Shit!Shit!

Ding-Dong !Ding-Dong

Sino na naman ba yan .Hays

Ding-Dong ! Ding-Dong! Ding-Dong! Bago pa masira ang doorbell niya lumabas na siya sa kwarto at bumaba para tingnan kung sino yung nag-dodoorbell.

May balak ba tong sirain ang doorbell ko? She opened the door .

"Tang'ina may galit kaba sa doorbell ko at parang sisirain mo yan?" irita niyang tugon pero tinaasan lang siya nang kilay. Aba't sabunutan ko kaya to maka-taas ng kilay kala mo naman original.

"Tititigan mo na lang ba ako ,hindi mo man lang ba ako papasukin ang sama mo namang kaibigan." nguso nitong sambit. Napapikit na lang siya sa inis at pinapasok na lang niya ito.

"What are you doing here?" sambit niya .

" Really Yana ?Well na miss ko lang naman kasi ang walangya kong kaibigan !" sarkastiko nitong sambit.She just rolled her eyes.Napaka bipolar talaga tong babaeng to.Tsk."Samahan mo ako sa mall may bibilhin kasi ako eh please ,"  dagdag nito habang nag puppy eyes .

"May magagawa paba ako para tanggihan ka?" She sighed and went to her room .Di naka ligtas sa paningin niya  ang pag ngisi nito. And they go to the mall.

_QueenofHell










MuliWhere stories live. Discover now