Ang tanga ko sobrang tanga bakit ba kasi hindi ko napansin ang sasakyan na paparating.
"Arrrggghhhhhhh!" napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil na giguilty ako kung di pa naman ako tanga ede sana hindi siya nakaratay sa kama ngayon.
Sa sobrang pag-iisip ko diko namalayan na mahigit isang oras na pala akong nakatayo sa labas. Ilang minuto lang ang nakalipas at sa wakas lumabas na din ang doctor.
"Doc ,how is he?" tanong ko agad sa Doctor sobrang kaba ko ngayon at nanginginig ang mga kamay ko sa maaaring isagot ng Doctor sa'kin.
Nagbuntong hininga muna ito bago nagsalita "We did our best-------" pinutol ko agad ang sasabihin ng doctor dahil alam ko na ang ibig sabihin niya sa'kin.
"Excuse me po." pagkasabi ko nun agad akong tumakbo. Tinahak ko ang daan kung saan siya lang ang makakatulong sa'kin .
Pagkadating ko dun agad akong lumuhod sa kanyang harapan.Pinikit ko ang mga mata ko habang tumutulo pa rin ang luha ko.
Lord,
" Alam kong ang kapal ng mukha ko para pumunta dito sobra lang po akong nasaktan nung kinuha niyo si Almira sa'min kaya kayo po ang sinisi ko nun.Pero sana po ay dinggin nyo ang panalangin ko ngayon w-wag m-muna ngayon.......please wag munang kunin si Zedd sa'kin k-k-kasi po Mahal ko siya Mahal na Mahal ." Humagulhol na ako dahil sa sakit na nadarama .Kahit nahihirapan ako tinuloy ko parin ang pagdarasal ko .
"Hindi ko po kayang mawala siya habang buhay sa'kin, na hindi ko na siya masisilayan ,ang mga matamis niyang ngiti at ang napakamagandang mga mata niya.Nagsisisi na po ako sa lahat ng kasalanan ko ......." pinahid ko ang mga luhang walang tapos na dumadaloy sa aking mukha.
"Sobra ....sobra akong nagsisisi dahil hindi ko man lang binigyan siya ng isa pang pagkakataon dahil mas pinairal ko ang galit sa kanya. Please po bigyan nyo po ako ng isang pagkakataon na itama na ang lahat ng mali ko kahit masabi ko lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit sa huling sandali niya......Sana po ay dinggin nyo ang lahat ng panalangin ko." Tumayo na ako para balikan si Zedd .Mugtong-mugto ang mga mata ko .Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan niya bigla na lang nang lambot ang mga tuhod ko.
Kaya ko bang makita ang katawan ng mahal ko na wala ng buhay?
Imbis na pumasok ,umalis na lang ako dahil alam kong diko kakayanin .
Dinala ako ng mga paa ko sa paboritong lugar naming dalawa .Nang makarating ako dun nakaramdam na naman ako ng kirot sa king puso. Wala ng tao dahil gabi na.
Ilang saglit lang ay bigla na lang bumuhos ang ulan.
Kahit papano may karamay ako ngayon .Isang oras na akong nakaupo sa swing at hindi parin tumitigil ang ulan basang-basa na ako .Tulala lang sa kawalan dahil ang daming katanungan sa king isipan na puro what if na hanggang what if na lang ako.
Napatigil ako sa pag-iisip dahil wala ng pumapatak na ulan sa'kin dahil biglang may nagpayong sa'kin.
Dahan-dahan akong humarap sa king likuran kung sino man ang nagpayong sa kin.
Pagharap ko sa kanya sobrang gulat ko dahil diko inaasahan na makikita ko siya ngayon natuod ako sa kinatatayuan ko at natameme na ako.
"Gusto mo bang magkasakit ha! Ano bang naisip mo at nagpaulan ka !" galit niyang sabi sa'kin.
"B-buhay ka." napangiti na lamang ako at dahan dahang hinaplos ang kanyang pisngi." Akala ko mawawala ka na sakin ng tuluyan ." pagtapos kung sabihin yun .Niyakap nya ako ng mahigpit kaya nabitawan niya ang dalang payong niya kaya nabasa siya.
"Sinong may sabi sayo na mawawala ako ?" siniksik ko ang mukha ko sa katawan niya."Hinding-hindi kita iiwan sinabi ko na sayo kahit ipagtulakan mo man ako palayo sayo hinding-hindi kita susukuan ." hinalikan niya ang ulo ko at dahan-dahan na bumitaw siya pagkayakap sa kin. Hinawakan niya ang mukha ko at deritsong tumingin sa king mata mata. "I love you hanggang sa magunaw ang mundo." hindi na niya hinintay ang sagot ko dahil ang labi niya ay dumampi na saking labi.Bigla na lang may tumulo na luha sa king mga mata dahil sa kasiyahan na nadarama.
__QueenOfHell