Days had passed pero para sa kanya sariwa parin ang nangyari ng gabing yun.Pinilit niyang inabala ang kanyang sarili upang hindi niya maalala ang taong matagal na niyang binaon sa limot.
Simula ng magkita kaming muli ay palagi na lang niya akong kinukulit ,kahit saan ako magpunta nandun siya .Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa niya to ngayon he told me before he leave me na lumayo na ako sa kanya habang buhay kahit mahirap ginawa ko kahit masakit pero bakit ngayon? Bakit kung kailan buo na ako okay na ako ulit .Susulpot na naman siya ?Bakit pinagsiksikan niya ang kanyang sarili sakin ngayon kahit tinutulak ko na siya palayo sa akin pero sadyang matigas siya .
Ganito ba talaga kalupit si tadhana sa'kin ? Bakit ba ginagawa niyang komplikado ang buhay ko?May nagawa ba akong mali?
"Tulala ka na naman diyan .Sigurado kabang okay ka lang ? Pwede naman magkwento ka sa'kin eh makikinig ako." Sambit ni Noah.Nakalimutan kong kasama ko pala siya.Shit! nakakahiya sa kanya.
"I'm okay marami lang akong iniisip."
"Tulad ng?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay. Bakit ba hindi ako makatingin sa kanya .
"Forget it ."
"Spill it . " sambit niya." It's okay kung di mo sabihin but always remember nandito lang ako palagi okay ?Call my name and I'll be there ." ngiti niyang sambit.Tango at ngiti lang ang itinugon ko sa kanya.Hayss bat ba ang bait mo? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko sayo.
Noah confess his feelings for me nung nakaraang linggo he told me na okay lang sa kanya kahit walang marinig na sagot siya galing sakin .Akala ko tuluyan na siyang lalayo sakin nung sinabi ko sa kanya na hindi ko masusuklian ang pagmamahal na binibigay niya sa'kin .Oo aaminin kong takot na akong magmahal muli dahil sa nakaraan ko at ayaw ko ding may umasa sa'kin kaya deniretso ko na siya.
Matapos ang klase umuwi na ako dii pagod na ako .Naglakad lang ako pauwi dahil hindi na ako nagpahatid kay Noah baka makaabala pa ako sa kanya. Sa di kalayuan kitang-kita ko ang lalaking naka-tayo sa labas .Napabuntong-hininga na lamang ako .
"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko.
"Can we talk please? Kahit ngayon lang." pagmamakaawa niyang sambit.
"Nag-uusap na tayo dba?" tatalikuran ko na sana siya ng higitin niya ang bewang ko na ikinabigla ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na maling galaw lang ay mahahalikan ko na siya .
Tinulak ko siya at napalayo naman siya sa'kin .Tinignan ko siya ng masama at agad tinalikuran .Tatlong hakbang ko pa lang ng magsalita na naman siya na naging dahilan na napahinto ako sa paghakbang .
"Wag mo namang ipahalata na ayaw mo kong kausapin at makita" garagal niyang sabi. "HaHa kasi masakit eh " dugtong niya.Bago pa niya ulit ako mahawakan iniwan ko na siya sa labas .
Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.Hay tadhana bakit ba ang lupit mo ?Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Ang daming bakit sa aking isipan ginugulo talaga ni tadhana ang isip ko.
Sumasakit talaga ang ulo ko kaiisip ng pesteng pag-ibig na to'. Bakit ba kasi kailangan pang maging komplikado di ba pedeng okay lang ang lahat na masaya lang tayo na walang sakitan hay.
I know that pain is part of life kaya kahit anong ilag natin tatamaan at tatamaan din tayo niyan.Wala eh malupet talaga si tadhana.
___QueenOfHell