Biyernes ngayon at hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko kaya tinext ko na lang sila Claudette na di kako ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.
Tulala lang ako habang nakatitig sa kisame ng biglang tumunog ang phone ko. Tumayo ako para kunin ang phone ko na nasa study table ko at tinignan kong sino ang nag text .
Himala nag text ang bruha ! Tss ano na naman kaya ang problema nito .
"Hey yana nasa school ka?" text ni bruha .Wala eh bruha ang pinangalan ko sa contact number ko sa phone.
"Hindi ako pumasok masama ang pakiramdam ko" reply ko sa kanya.
Ilang minuto ang nakalipas at hindi pa rin siya nagrereply.Nang kalahating oras ang dumaan ay nag reply na rin ang bruha.
"Malapit na ako sa inyo see yah mwuahh!" anak ng kambing naman oh kaya pala ang tagal mag reply. Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas .Bumangon na ako para pag buksan ang bruha.
"Oh kaylangan mo?" bungad ko sa kanya at tinaasan ng kilay .
"wala binibisita lang kita masama ba? pano kasi di mo ako pinupuntahan saamin kaya ako nalang pumunta dito." sambit niya
"spill it ."
"ang alin?" naguguluhan niyang tanong.
"tss don't fool me with your smile and voice. "
"ano bang sinasabi mo dyan." tss mag maang-maangan pa halata siya masyado.
"kilala na kita so spill it eyes can't lie .I know you're not okay." sambit ko na may halong pag-alala.Hinila ko na lang siya papasok at pinaupo sa couch pagkaupo niya niyakap ko kaagad siya . She hugged me back.
"H-he b-break -up with me and its hurt
I beg him to come back into my life but he just ignored me na para bang wala kaming pinagsamahan nasasaktan akong tuwing nakikita ko syang tumatawa habang ako ay nasasaktan . Hindi ko kaya na mawala siya eh sa mahal KO sya eh yeah I know it sounds selfish but I do love him."
Sambit niya habang umiiyak ."Kung gusto mo syang bumalik sayo wag kang lapit ng lapit dahil mas lumalayo lang sya sayo .kung talagang mahal ka niya kusa syang babalik sayo.Don't beg for someone to come back or to stay dahil hindi ka ipinanganak na magmakaawa sa isang taong walanghiya." Sambit ko habang hinimas-himas ang likuran niya.Habang siya ay di parin maawat sa pag-iyak.
"O-oo p-para sayo madaling sabihin pero para saakin ang h-hirap gawin s-sobrang h-hirap .-----" pinutol ko agad ang sasabihin niya.
"Nangyari na rin sakin yan I beg for someone to stay with me pero pinili parin niyang iwan ako" kumalas ako sa pagkayakap sa kanya at tinignan ko siya sa mata.".Sa isang relasyon dalawa lang ang pagpipilian stay or leave Oo nandiyan nga siya ,Hindi ka niya iniwan pero Hindi na ikaw ang mahal niya , nag stay lang sya sayo dahil ayaw ka nyang masaktan o should we say ayaw nya lang mag-umpisa ulit dahil mahirap para sa kanya. Pag ang isang tao umalis hayaan mo wag mong pigilan dahil Hindi porket umalis siya hindi kana mahal dahil kung mahal ka talaga babalik at babalik sya sayo .Kung ihahahintulad natin ito sa hayop kagaya ng aso try to observe na kahit umalis man ito o pinaalis sa bandang huli ay uuwi parin ito sa nagmamay ari sa kanya. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ko at tumango naman siya.Binigyan niya ako ng ngiti pero di umabot sa mga mata.
"Thank you ha kahit papano ay lumuwag ang pakiramdam ko at salamat dahil nandyan ka parati para sa akin .Alam mo bang ikaw ang naging sandalan ko sa tuwing napapagod na ako." natatawa niyang sambit habang pinupunasan ang luha sa kanyang mukha."Sorry at umiyak pa ako sa harapan mo."
"You want to cry ?then I'll be your handkerchief. Okay lang naman na umiyak tayo paminsan-minsan eh." sabi ko with a smile in my lips.
"You know me already peke sa peke tunay sa tunay . Wag mo akong pasalamatan dahil ako ang naging sandalan mo sa itaas ka magpasalamat dahil binigay niya ako sayo para maging iyong sandalan sa mga oras na to na lugmok ka sa kalungkutan ." dugtong ko pa at bumuntong -hininga.
"Just rest yourself and don't let the stupid asshole ruin your entire life." pagkatapos ng dramahan umuwi na din siya dahil tumawag si Tita sa kanya.Habang tinatanaw ko ang sinasakyan ni bruha papalayo hindi ko namalayan na nakangiti pala ako nagmumukha tuloy akong baliw .TSS.
Pumasok na ako sa loob at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
Napa-isip na naman ako kay bruha hasyttt ang sakit pala makita na umiiyak ang kaibigan mo sa iyong harapan . Hays .
___QueenOfHell