Habang naglalakad ako papunta sa rooftop naramdaman ko talaga ang bilis ng tibok ng aking puso.
Yes,nakipag kita ako kay Noah dahil may importanteng sasabihin ako sa kanya.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan huminto muna ako para pakalmahin ang sarili ko. Nang nasigurado ko ng okay na ako unti-unti kong binuksan ang pintuan at dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya.Naka talikod siya ngayon kaya di niya agad ako napansin.
"Hey" tawag ko sakanya.At agad naman siyang humarap habang may ngiti sa labi.
Alam kong yang mga ngiting yan panandalian lang yan.Alam kong masasaktan talaga siya kapag sinabi ko na sa kanya na nagkabalikan na kami ni Zedd . Parang kumirot ang puso ko kapag naiisip kong may masasaktan akong tao lalong-lalo na kung mahalaga sa'kin.At isa na dun si Noah.
"Hey ,tapos na class mo?" tanong nito .Tango lang ang isinagot ko sa kanya."Okay lang" sambit niya na ikinalito ko.
"Huh! Anong sinasabi mo dyan?" tanong ko sa kanya.Sa mga oras na to sobrang kaba na ang aking nadarama .
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Kung san ako magsisimula."Kami na ulit" deritso kong sabi sa kanya.At kitang kita ko sa mga niya kung gaano siya nasaktan sa sinabi ko." I'm so----"naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
"Kung ako ba siya mapapansin mo kaya?" tanong niya. "Alam ko na sa mga mata ng iba pinagtatawanan na ako."patuloy niya.Hinayaan ko lang siya na magsalita." Sana ako na lang siya.Sana ako ang nagpupunas ng luha mo sa tuwing tutulo ito.Sana ako ang kahawak-kamay mo habang naglalakad.Sana ako ang rason ng mga matatamis mong mga ngiti pero hanggang sana lang ako." dugtong niya.
Nasasaktan talaga ako para sa kanya.Gusto ko siyang tanongin kung bakit ako pa?Pero di ko magawa .
"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo" yan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Sana nga" tapos tumingin siya sa langit.
"Noah?" tawag ko sa kanya at agad naman siyang tumingin sa'kin."Smile" ngiti kong sabi sa kanya .Ilang segundo pa lamang ay unting-unti gumuhit sa kanyang labi ang mga ngiti.
"I'm leaving" sambit niya na ikinagulat ko.
"Aalis ka?Bakit?" tanong ko kaagad sa kanya.
"I'm going back to New York " sagot niya.
"Babalik ka pa ba dito?" sambit ko.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "I'm staying there for good.Wala na akong rason para mag stay pa dito at kampante na ako dahil alam kong masaya kana ngayon kahit alam ko na hindi ako ang dahilan ng kasiyahan mo ngayon ." tumingin siya sa'kin ng makita niyang wala akong balak magsalita nagpatuloy siya."Alam mo bang ikaw ang dahilan ko kung bakit nandito pa ako ngayon." dugtong niya.Nalito ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.
"Umuwi ako dito dahil namatay ang grandma ko" ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses." Nalaman ni Zedd na nandito ako kaya humingi siya ng pabor sa'kin."
"Anong pabor?" naguguluhan na talaga ako ngayon.
"He said na dito muna ako .Dahil kaibigan ko siya pinagbigyan ko siya." sabi niya "Sinabi niya sa'kin na may papabantayan siya dito. Hahaha akala ko bata ang tinutukoy niya kaya ayun nasigawan ako hahahahah .Sinabi niya sa'kin na bantayan daw kita.Na dapat papasiyahin kita kaso tanga ako dahil nahulog ako sayo na di na dapat. I'm sorry dahil nagawa ko to " patuloy niya."I'm happy for the both of you " dugtong niya.Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na siya papalayo sa'kin.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko.
Akala ko talaga hindi na niya ako mahal kaya iniwan niya ako.Pero may kaisa -isang tanong sa'king isip.Ano ang dahilan bakit niya ako iniwan noon?
____QueenOfHell