Maaga akong nagising dahil balak kong mag simba ngayon. Ay oo nga pala Sunday ngayon . Bumangon na ako at dahil maaga pa maglilinis muna ako sa apartment ko dahil mamaya pang 9:30 ang misa.
Una kung nilinisan ay ang sala .Ang daming kalat tss .Pagkatapos kung linisan ang sala ay pumunta na ako sa kusina upang malinisan na din . .Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng may mag door bell .
Anak ng kambing oh sino na naman kaya ito ? Naglakad na ako para buksan kung sino mang nilalang ang nang-iistorbo.
Pagbukas ko nagulat ako dahil di ko inaasahang pupunta siya dito .Isisira ko na dapat ulit pero napigilan niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Wait!
"Ano na naman pwede ba marami akong ginagawa kung wala ka namang importanteng sasabihin makakaalis kana." pagtataboy ko sa kanya.
"Kailan mo ba ako kakausapin ng maayos,wag mo naman akong baliwalain ng ganito!" nagulat ako dahil sa pag taas ng kanyang boses. At siya rin ay nagulat sa kanyang pag taas ng boses."Sorry di ko sinasadya ." napakamot na lang siya sa kanyang batok. Hindi ako sumagot nanatili lang ako naka tingin sa kanya."Di na ba talaga natin maiibalik ang dating tayo?" tanong niya na ikinaiwas ko ng tingin.
I stared him coldly "Hindi ako yung tipo ng taong binabalikan ang nakaraan ." sambit ko.
"Ganun ba, kung hindi ko na maiibalik ang dating tayo ,maari ba akong magsimula muli kung paano naging tayo?" tanong niya na tila nagkaroon siya ng pag-asa .
"Kung magsusulat man ako ng panibagong tula sisiguraduhin kong hindi na ikaw ang paksa." pagkatapos kong sambitin ang mga katagang iyon ay isinara ko na ang pinto.
"Wag kang mag-alala kahit anong pilit mong pagtulakan ako papalayo sayo hinding-hindi ako susuko ." yan ang huling sinabi niya bago ako makarinig ng tunog ng sasakyan habang papalyo ang tunog nito napasandal at napaupo na lamang ako.
Hindi na din ako naka pagsimba,tinuloy ko na lang ang pag lilinis .
Maaga akong nagising dahil baka malate na naman ako .Pagdating ko sa school 6:50 pa lang kaya nagulat si Kuya guard kesyo ang aga ko daw eh baka daw tulog pa ngayon si Dean natawa na lang ako at nagpaalam na kay Kuya Guard .
Dahil maaga alam ko na wala pang tao sa room kaya napag pasyahan ko na pumunta na lang sa library.
Kalahing oras na ako doon at marami-rami na rin ang mga studyante. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may umupo sa harapan ko.Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Aga ah?" ngiti niyang tanong .Tinaasan ko lang siya ng kilay at binalik ko na ang paningin ko sa libro na binabasa ko .
"Stop staring at me Noah naiirita na ako." sambit ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Naiirita o Kinikilig" sabi ni Noah .Tignan mo to at ng-aasar pa.
"Anong nakakatawa?" irita kong sabi na ikinatawa niya lalo . Dahil sa lakas ng tawa niya sinita tuloy kami ni Ms.Librarian .Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Ilang minuto ang naka lipas ng bigla siyang magsalita na siyang ikinatigil ko sa pag babasa."Brie,can you open your heart again for me ?" nagsusumamong sambit niya at ikinagulat ko.
"N-noah......." tanging ang pangalan lang niya ang lumabas sa bibig ko.Oo nag confess na siya noon sa'kin.
"Alam ko na paulit-ulit lang ako pero sana sa ika lawang pagkakataon tanggapin mo na ang nararamdaman ko para sayo." he said while looking straight to my eyes.
"Don't let yourself na matali sa akin dahil lang sa nararamdaman mo ,you deserve someone better na kayang suklian ang nararamdaman mo .Kung ipipilit mo pa rin sa akin ang nararamdaman mo isa lang masasabi ko sayo,masasaktan ka lang."sambit ko sa kanya . Namutawi sa amin ang katahimikan ilang sandali pa lamang ay nagsalita na naman siya.
"Hanggan ngayon ba siya pa rin?" tanong niya na ikinagulat ko.Shit! Don't tell me he already knows my past.
"Hahaha alam ko ang tumatakbo sa isip mo at oo alam ko ang past mo kaya ka takot ngayon pumasok sa isang relasyon." sambit niya at oo nabasa niya ang nasa isip ko dahil sa reaksyon ng mukha ko."Actually kailan lang nalaman ko ang tungkol sa inyong dalawa,hindi ko akalain na ang babaeng palagi niyang kinekwento sakin ay ang babaeng bumihag ng puso ko ngayon." sambit niya at binigyan niya ako ng pilit na ngiti.
Alam ko sa mga oras na ito ay nasasaktan na ito pero pinili parin niyang magpakatatag sa harapan ko.
____QueenOfHell