chapter 2:The plan

79 7 0
                                    


Jin's pov

T*nginang yan pinikit ko lang yung mata ko pag gising ko umaga na

Bumangon ako sa kama ko at dumirestso sa banyo

Nag toothbrush na ko at naligo

After kong maligo ay lumabas na ko ng banyo. May biglang kumatok sa pinto

"Sino yan?"tanong ko

"Ako 'to"tinig ni tita pinapasok ko si tita

"Tadaaaaa~"Pasorpresang tugon ni Tita

"Teka, tita. Bumili na kayo agad ng uniform?"tanong ko

"Kahapon ko lang ito binili. Bilisan mo at suotin mo na ang bago mong uniform at bumaba ka na"sabi nya

Sinuot ko ang bago kong uniform. Maiksi ang palda, mini chequered skirt na kulay pink, White ang blouse at color gray ang ribbon, Meron ding blazer at gray din ang kulay nito. May tatlong butones sa ibaba, pati rin sa bandang pulsuhan.

Nag suot ako ng mahabang medyas lampas tuhod iyon.

Bakit ganito pa yung uniform ang iksi

Nilugay ko ang buhok ko at tumingin sa salamin

Ay pak! Ang ganda ko pala

Bumaba na ko at dumiretso sa kusina naupo na ko

"Bagay pala sayo yung uniform"sabi ni tita

"Oo nga lalo kang gumanda dyan jin pero mas maganda pa rin ako"sabi ni ate kayeen

Pupurihin mo na nga lang kasama pa yung kagandahan mo tsk.

"Keanne sasabay ulit sayo si jin pag pasok"malamig na tugon ni kuya keon

"What?! dun na naman? Di pa sya pwedeng mag commute na lang?"tanong nya

"Pinsan mo rin si jin kaya dapat lang na isabay mo sya"sabi ni kuya

"Ah kuya di na kailangan mag co-commute na lang ako"sabi ko

"At bakit?"tanong nito

"ayoko kasing maki-singit pa sa GIRLFRIEND niya"madiin kong tugon sa 'Girlfriend' Nag lakad na paalis si Keanne.

"Keanne hintayin mo si jin....KEANNE!"Si tita

"Tita ok lang po, mag co-commute na lang ako"sabi ko

Umalis na ko at nag lakad na ko paalis pero ang problema saan ako nito sasakay?

Nag lakad pa ko na nag lakad ng biglang may tumigil na kotse sa gilid ko. Napatingin ako sa asul na kotse. binaba niya ang bintana

Si Shian

"Hello, transferee sabay ka na sakin"nakangiti nitong saad

"Hindi na, sasakay na lang ako ng jeep"sabi ko

"Pero transferee mainit doon at masikip"sabi nya

"Sanay naman ako"sabi ko at umalis na. Pero sinusundan nya pa rin ako

"Transferee sumabay ka na sakin"pangungulit nya

"Hindi na kailangan"pag tanggi ko

Pero sinunsundan niya pa rin ako. Napatigil ako at sinamaan sya ng tingin

"Hindi kita boyfriend ok?"ani ko

"Hay, si transferee kung ano-ano ang iniisip friends na tayo ngayon"ani nya

The Six Precious boys and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon