Jin's pov
At ayun nga kalat na nga ang balita dahil uuwi na si tamie. Ang daming nag ku-kwentuhan tungkol sakanya
"mas maganda si tamie kumpara sa iba dyan"
"oo nga yung isa kasi boyish na malandi pa Ha Ha Ha"
Pero parang meron silang pinapatamaan
"tabi nga nakahara sa daan eh"mataray nitong tugon. At tinulak ako gamit ang kanyang katawan kaya't napahawak ako sa lamesa
Putcha naman
Bigla kong nakita si zairy kasama yung mga coloring book
"hoy! Ang lawak-lawak nung daan tapos manunulak ka"inis kong sabi
"may naririnig kang nag salita?"tanong ni coloring book 1
"meron parang isang amazona"pang aasar na tugon ni cb 2
A/n: yung "cb" coloring book meaning nyan, ayoko ng pahabain eh
"sinasayang nyo lang ang oras nyo sa isang bagay na hindi naman mahalaga. Let's go girls"tugon ni zairy
Talagang iniinis nyo ko ha.... Pero bigla kong naisip na wag ko na lang silang patulan.
After kong umorder ay naupo na ko sa bakanteng upuan. Nakita kong umupo si abby sa tapat ko.
"sabay ulit tayo"tugon nya
Tahaimik kaming kumakain ng biglang may pumasok sa'king isipan.
Bat di ko kaya sya tanungin about kay tamie?
"abby?"
"hmm?"
"kilala mo ba si tamie?"tanong ko
"ah si tamie, oo kilala ko sya, sya yung first love ni dwayne"sabi nya
"bukod sa first love sya ni dwayne, ano pang meron sakanya?"tanong ko
"si tamie mayaman sya, kilala sya sa buong asia. Pinsan ni tamie si gratte, lahat ng damit na sinusot ng ibang tao ay galing sakanila."kwento nya
"familar ka ba dun sa flore?"tanong nya
"yun yung mamahaling damit dito sa pilipinas"sabi ko
"sila ang may ari n'on"sabi nya
"s-sila?"
"oo, napaka dami ko nga damit na gawa nila, kilala ang flore sa buong asia at ang fashion designer n'on walang iba kundi ang mom at dad ni tamie na si tristan jun garcia at hannah mae garcia"
"muka ngang mayaman sila"sabi ko
"mabenta sa ibang tao ang mga damit nila, magaganda kasi ang design nito."sabi nya "itong uniform natin, sila ang gumawa nyan"
"wow! Ang galing"pag hanga ko
"at babalik na bukas si tamie dito"sabi nya
"oo nga alam ko"sabi ko
Nag bell na, bumalik na ko sa klase. Pumasok na ang lecturer at nag disscuss na ito
Maya-maya ay nag bell na. Uwian na, sumakay na ko ng jeep.
At maya-maya ay nasa bahay na ko.dumiretso ako sa kwarto ko at nag bihis
"jin mag ha-hapunan na"tawag ni tita
"opo, susunod ako"sabi ko. Bumaba na ko at dumiretso sa lamesa
Sabay-sabay kaming kumakain. Katabi ko si keanne at si ate kayeen, katabi naman ni tita si kuya keon
"balita ko, buntis na ai laurice"sabi ni tita
Nag taka ako bigla. So kilala nya si ate laurice. Ibig sabihin kilala nya rin si luhence?
Naibaba ni kuya ang kutsara nya na para bang may halong lungkot at pag tataka
"ma"si ate kayeen
Lumingon si tita kay kuya keon
"a-ah naku pasensya na keon"sabi ni tita
"sino yung ama?"tanong nito
"h-hindi ko alam"sabi ni tita
Iba na ang ekspresyon ni kuya. Para ba itong galit. Wala ng halong lungkot dahil nabalot na ito ng galit
"wala na kong gana"malamig na tugon n'ya at umalis na
"hay si kuya talaga, parang di pa sya maka- get over kay at laurice"sabi ni ate kayeen
"kanina pa ko nag tataka, kilala nyo ai ate laurice?"tanong ko
"syempre naman jin, kilalang kilala sya sa buong asya"sabi ni tita
"so paano mo rin nakilala si ate laurice?"tanong ni ate kayeen
"kasi nung sabado sinama ako ni luhence sa serine mall para bumili ng gamit para sa baby, dun pala yon sa pamangkin nya"sabi ko
"ah kaya pala ginabi ka ng uwi"singit ni keanne
"uuwi na daw si tamie dito sa pinas"pag iiba ni ate kayeen ng usapan
Pati rin si tamie kilala nya? Ako na lang ba ang di nakakakilala sakanya?
"kilala nyo rin si tamie?"tanong ko
"wala kang upadate siguro nung nasa London ka"sabi nya
"simula kasi ng maaksidente sila mommy at daddy nawalan na ko ng update sa ibang mayayaman na pamilya"sabi ko
"kami na lang ang mag u-update sayo"sabi ni ate kayeen
"naalala ko next month merong magaganap na ms. SIHS"singit ni tita "malamang ikaw ang pinili nila dahil nag iisa kang babae sa section nyo"
"o-opo a-ako nga, kaya lang kasi Hindi ko kaya tska boyish ako at hindi maganda"sabi ko
"jin, hindi ka lang naauyusan. Hayaan mo at papagandahin kita sa araw na yon"sabi ni tita
"kung hindi mo naman pala kaya bakit sumali ka pa?"masungit na tugon ni keanne
"wala na silang choice kundi ako, dahil isang babae lang ako sa section nila"sambit ko
"sana umatras ka nalang"sabi nya
"hindi pwede, mapapahiya yung section namin kapag ginawa ko yon"sabi ko
"tama keanne, powerful section ang section ni jin."sabi ni tita
Natapos kaming kumain at pumasok na ko sa kwarto ko. Ang daming tanong ang namuo sa'king isipan
Ano kayang itsura ni tamie?
Bakit nag iba ang ekspresyon ni kuya habang ang topic namin ay si ate laurice?Ano na ba talaga ang nangyayari? Ang hirap kapag di updated
BINABASA MO ANG
The Six Precious boys and I
Teen FictionThe Six precious boys and I The Six precious boys, sino nga ba sila? Hmm, hayaan nyong ipakilala ko sa inyo Sila lang naman ang tinitilian ng mga babae sa school, ang anim na campus crush. Bawat mag lalakad sila sa hallway o kung saan mang parte s...