chapter 14:Like

44 3 0
                                    

Jin's pov

Kasukuyan kaming nag lalakad ni abby sa quadrangle ng biglang nag kakagulo ang ibang students.

"nakabalik na nga si tami"

"wala pa ring pinag-bago, maganda pa rin"

"ate tami, how to be you po?"

"ang ganda nya talaga"

"para syang anghel na bumagsak sa langit"

"para syang dyosa"

Bigla kong nakita isang babaeng mala-dyosa ang itsura. Sya siguro si tami

"abby"

"bakit?"

"yun ba si tami?"tanong ko at nakaturo dun sa babaeng mahaba ang buhok

"ah oo, yan si tami. Ang ganda nya 'no"sabi ni abby

"oo nga, ang ganda nga nya"sabi ko"talo ako"bulong ko

Talo ako sakanya. Kaya na-inlove si dwayne kay tami dahil nga maganda nga ito. Mala-dyosa ang itsura nito at maputi, sa ganda nyang yan pwede syang mag-artista.

"sa ganda nyang yan, bakit hindi sya nag artista?"tanong ko

"kahit hindi na sya mag artista, sikat naman talaga sya eh. Tignan mo pinag kakaguluhan sila."sabi ni abby

Muli akong tumingin kay tami. Di ko maiwasang tumitig sakanya dahil sobrang ganda nito.

"jin, mauna na ko sayo."pag papa-alam ni abby

"sige bye"sabi ko. Nag lalakad na ko sa hallway ng biglang may bumato ulit sakin.

Tumingin ako sa likod ko, at wala namang tao. Hinawakan ko ang ulo ko at tumingin sa kamay ko.

Itlog na naman ang binato sakin. Hindi kaya si luhence yon?

May biglang bumato ulit sakin ng itlog. Putangina

Tumingin ako sa likod ko at may bumato sakin ulit ng itlog.

At hindi si luhence yon. Kundi ibang istudyante.

"hoy! Kayo!"sigaw ko

"pre batuhin mo ng itlog haha"

"ito pa"

"lagyan natin ng harina"

Biglang may nag buhos sakin ng harina gago hindi ako cake

Tumakbo ako. Pero hinahabol pa rin nila ako.

Habang tumatakbo ako, ay binabato pa rin nila ako ng itlog at harina

Di naman ako mukang cake eh, huhu

Bigla akong napatigil ng may taong naka-harang sakin, at nauntog pa ko sa likod nya.

"naku sorry"sabi ko habang nakayuko.

Napatingin ako sa harap ko. Bigla akong natigilan ng si tami ang nasa harap ko

"sorry, tami"sabi ko

"it's ok. Ikaw ok ka lang ba?"tanong nito

"oo, ayos lang ako"sagot ko

"jin anong nangyari sayo?"tanong ni shian

"mga loko-loko lang na bumato ng itlog sakin, di ko alam gagawin pa yata akong cake eh"sabi ko

The Six Precious boys and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon