chapter 15:Trouble

42 3 0
                                    

Jin's pov

KINABUKASAN

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Bumangon ako at in-off ang alarm clock ko, ginawa ko na ang morning routine ko.

Bumaba na ko at dumiretso sa kusina, naupo na ko at kumain.

Hindi ako pinapansin ni keanne. Paki-alam ko feeling famous tss.

"jin"tawag ni tita

"bakit po?"tanong ko

"tinatanong ka sa'kin ng lola mo sa london kung ok daw ba ang pag aaral mo"sabi ni tita

Naibaba ko ang kutsarang hawak ko, Nakaramdam ako ng inis.

Nanatili akong tahimik.

"sabi n'ya tawagan mo daw sya kapag nasabi ko na sayo ang pina-sasabi nya"sambit muli nito

"tapos na po akong kumain tita, papasok na po ako sa school"malamig kong tugon

"sumabay kana kay keanne, paalis na rin sya"

"hindi na po tita, ok lang po. Sasakay nalang po ako ng jeep"sabi ko

Lumabas na ko ng bahay. Bigla kong naramdaman na basa ang pisngi ko, tumulo na pala ang mga luha ko

Tuwing naalala ko ang mga kamag-anak ko sa london ay nagagalit ako, gusto kong umiyak. Dahil napaka-sakit ng nangyari sa'kin noon

Flashback

"jin, hindi ko na kaya, sawa na ko sayo. Ang tigas ng ulo mo, hindi ka nakikinig sa'min"galit na tugon ni lola "ibibigay na kita sa mga perez"

"lola, I want to stay here, please I don't want to go back in philippines"pag mamakaawa ko

"get out of our house, hindi ka kailangan dito"galit na tugon ng pinsan kong si amanda

"lagi mo nalang pina-iral ang mga bisyo mo. Jin naman, hirap na hirap na kami sayo"singit ni auntie

"kelsey jin, Get out of our house!"sigaw ni lola. Kahit hirap-na hirap na sya ay nagawa nya pa ring sumigaw

"kumuha ka ng tubig, amanda"sabi ni auntie

"see? Dahil sayo, nahihirapan si lola kaya umalis kana"galit na tugon ni amanda "Alis na!"

Umakyat ako sa kwarto ko at nag-impake. Kinuha ko lahat ng gamit ko habang umiiyak. Hindi ko na kaya pa

End of flashback

Sunod-sunod ang pag patak ng mga luha ko. Pinunasan ko iyon gamit ang mga daliri ko. Bigla akong napatigil ng may lalaking humarang sa da-daanan ko.

"sino ka?"tanong ko. Ngumisi ito sa'kin

"ikaw ang girlfriend ni luhence diba?"sabi nito

"hindi ako yon"sagot ko

"wag ka nang mag sinungaling pa, alam kong ikaw yon, nakita kitang sumakaya sa kotse ni luhence"

"classmate nya lang ako at hindi girlfriend nya. Alis na ko"sabi ko at nag lakad na paalis pero, sinusundan nya ko. Biglang dumami ang mga sumusunod sa'kin.

Kanina isa lang ngayon siyam na sila. Bigla naman akong hinawakan sa braso nung dalawa

"ano ba?"inis na tugon ko

"sumama ka sa'min kung ayaw mong masaktan"sabi nung nasa kanan

"ayokong sumama sa inyo"sabi ko at pumipiglas.

The Six Precious boys and I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon