Abby's pov
Bigla nalang akong nagising sa sinag ng araw. Bumangon ako sa kama at nakaramdam ng sakit ng ulo. Nang may bigla akong naalala.
Nasa bar ako kagabi? Paano ako nakauwi?
Bumaba na ko ng hagdan, nakita ko naman bigla dun si Manang
Patay, nag paalam ako dito kahapon na pupuntahan ko lang yung kaklase ko
"Abby, nakatulala ka pa dyan mag almusal ka na"sabi ni manang
"O-opo"sabi ko
Pumunta na ko sa lamesa at naupo
"Abby" tawang ni manang
"Bakit po manang?" Tanong ko dito
"Ang sabi mo sakin kahapon ay pupuntahan mo ang kaklase mo" sabi nya
Eto na nga, Lord help me pleaseee
"Pero, Sa bar ka nag punta" sabi nya
"Manang kasi-----"
"Abby, ano ka ba namang bata ka? Bakit naisipan mong pumunta sa bar? Paano kapag nalaman ng magulang mo na pumunta ka sa bar, hindi lang ikaw ang mapapagalitan pati ako" Sabi nya
"May nag yaya kasi sakin, di ko naman alam na bar ang pupuntahan namin" Sabi ko dito
"Muntik ka nang madala sa hotel, buti nalang at hinatid ka dito ni Shian, kung hindi, naku! Baka napano ka na" nag aalalang sabi ni manang
May binanggit si Manang na ikinatigil ko
"A-ano yung sinabi mo Manang? Paki-ulit nga" Sabi ko
"Ang sabi ko, buti nalang at hinatid ka dito ni Shian kagabi at muntik ka ng mapahamak" pag uulit nya sa sinabi nya kanina
Bigla akong natulala bakit nya ginawa yon? Di ba nag away kami? May concern pa rin sya sakin, pagod na sya mag hintay. Pero bakit ganun?
"Abby, wag ka nang tumanganga dyan mala-late ka na" Sabi ni manang
Minadali ko na ang pagkilos
Maya-Maya ay nasa school na ko. Bigla kong nakita si Shian
Tatawagin ko ba si Shian? O wag nalang? Kaso, gusto ko mag thank you kasi muntik na kong mapahamak
"SHIAN!" Sigaw ko
Tumigil naman sya sa pag lalakad, ngunit nanatili itong nakatalikod sakin
"Thank you sa pag hatid sakin sa bahay, kung hindi dahil sayo, baka siguro gumising ako ng wala sa kwarto ko" sabi ko dito
"Di mo na kailangan mag pasalamat" Malamig nitong tugon at nag lakad na paalis
Someone's Pov
"Ang bobo mo Jayson, hindi mo sya nadala sa hotel" galit na saad ko dito
"May biglang lalaking sumingit at sinabing Girlfriend nya yon at meron lang silang hindi pag kakaintindihan" Sabi nya
BINABASA MO ANG
The Six Precious boys and I
Teen FictionThe Six precious boys and I The Six precious boys, sino nga ba sila? Hmm, hayaan nyong ipakilala ko sa inyo Sila lang naman ang tinitilian ng mga babae sa school, ang anim na campus crush. Bawat mag lalakad sila sa hallway o kung saan mang parte s...