Untitled

62 4 0
                                    

Patuloy ko paring hinihiling at ibinubulong sa uniberso na sana maramdaman mo lahat ng pagmamahal sa mundo at sana'y parati kang masaya.

ilang beses na bang nasaksihan ang paglubog ng araw kasama ka?

ang paghalo ng kulay rosas sa dilaw

ilang beses na bang naghagis ng barya sa tubig?

ang paghiling na sana may katuparan ang lahat

ilang beses na bang nagbihis ng pula?

ang paniniwalang lalapitan ng suwerte

ilang beses na bang nangulila sa’yo?

ang kaisipang sana’y mahagkan ka

ilang beses na bang kinausap ang buwan?

ang makapante sa liwanag na kaya niyang ibigay

ilang kamay na ba ang nagdaan at nahawakan?

ang pagtanong na ganito rin ba ang pakiramdam ng iyo

kapag ba natapos ko na ang pagbibilang

maabutan pa ba kita sa dulo?

ang pag-asam na may sorpresa sana sa huli

ang pagmithi na sana maisipan mong manatili

kahit maikling pagdalaw manlang sa panaginip

ang mahalaga'y maramdaman ka

maglayag man hanggang sa tala

sa’yo pa rin pabalik ang diwa ko

dahil ikaw ang aking lakambini sa talambuhay na ito

KATIPUNAN NG MGA SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon