PAANO SAGUTIN ANG MATEMATIKA

21 0 0
                                    

Bilang tayo hanggang sampo
Gamitin ang isip at wag hihinto
Tuloy lang sa pagbibilang
Sabay sabay natin sagutan
Isa,
Isa lang ang subject na maraming problema
Isa lang ang sagot pero maraming formula
Isa lang pero nakakalito na
Nag iisa lang ang Matematika pero Masaya
Dalawa,
Dalawang beses kang mag iisip at mapapaisip
Dalawang beses mong titingnan ng paulit ulit
Ano bang meron sa tanong na ito?
At ginugulo ang utak ko
Tatlo
Tatlong beses sa isang linggo
Pag aaralan mo yung tanong na binigay sa inyo
Bakit may letra? Diba numero lang ang meron sa subject na matematika?
Paulit ulit, nakakarindi, nakakabingi
Pag find the X na ang topic sa klase
Hmmm.. Find the X hindi find your Ex
Apat
Bakit hanggang sa klase ikaw ang hinahanap
Hindi pa ba sapat yung apat na beses kong pag iyak
Yung apat na beses na pananakit
Sa dahilan na paulit ulit
Lima,
Hinahanap parin kita
Yung limang sagot bakit mo ko iniwan mag isa
Bakit sa Limang letra ng 'MAHAL' kita
Napalitan ng salitang 'Tama na, ayoko na'
Anim
Anim na pantig ang iyong binigkas
Pagsuko na pala at pagwawakas
Pano mo nagawang bumalik
Sa pamamagitan ng tanong na Find the X?
Pito
Tulala ng pitong minuto
Inisip bakit ganito ako kaapektado
Tanong lang naman ito
Bakit naiiyak ako?
Walo
Totoo nga ang sabi nila
Walong beses akong nagtaka
Ang Math mahirap pala sa umpisa
Parang Pagmomove on ko sa kanya
Siyam
Pangalawa sa huli
Parang ikaw nung ginawa mo syang priority
Ang pagkakaiba nga lang ikaw yung nasa huli dahil sa siyam nyang priority ikaw lang ang hindi kasali
Sampo
Ang pinakadulo ng katapusan
Eto yung bilang kung kelan ka nya iniwan
Kung kelan sampo ang basehan
Tsaka nya sinabi na hanggang dito nalang
Ilan beses mong inaalala ang bawat sandali
Dahil sa subject na matematika naaalala mo siyang muli
Paano nga ba sagutin ang tanong na ito?
Kung mismo sa sarili mo yung tanong na nakamove on na ba ako? Ay hindi parin sigurado
Sabi ng iba ang Math parang pagmomove on lang yan
Mahirap sa umpisa
Pero paunti unti mong kinakaya
Kailangan mo lang intindihin
Kailangan mo lang tanggapin
Dahil Hindi lahat ng may kumplikadong tanong ay mahirap
Minsan alam mo na kung paano ito sagutin ayaw mo lang tanggapin.

KATIPUNAN NG MGA SALITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon