Sabi ko sayo hihintayin kita
Hindi ako mapakali kung ikaw ay hindi makita
Araw araw kitang kina-kamusta
Kahit na alam kong magsasawa ka
Wala ka nang oras para sa ating dalawa
Naiintindihan ko naman kasi para yan sa atin at sa iyong pamilya
Paulit ulit at paulit ulit na lang kitang kinukulit
Hindi ko alam kung minsan ikaw ay naririndi o kung ikaw ay nagagalit
Pasensya na, Hindi ko kasi kaya
Ngayon ko lang kasi to nadarama
Araw , gabi , segundo, minuto , oras, buwan at taon na ang lumipas
Pero ako nandito pa rin hinihintay kung anong araw ka babalik sa pilipinas
Hindi alam ng mga tao kung gaano kasakit
Kung gaano ka hirap maghintay sa isang taong matagal pa bago bumalik
“Tama na hindi ko na kaya, nahihirapan na tayong dalawa ”
Mga salitang sinaksak ang puso ko nang pa-ulit ulit, na ako narin mismo ang hindi nakaunawa, na ang relasyong pinaghirapan ko nang maigi ay mawawala na
Sana sinabi mo noon pa
Sana ako ay nakapag limot na
Bakit mo pa ko pinahirapan?
Anong masasagot mo sa tanong na yan?
BINABASA MO ANG
KATIPUNAN NG MGA SALITA
PoetryInaalay ko ang Spoken Words Poetry na ito para sa mga taong pinagpalit sa iba. Yung tipong minahal mo na nga ng sobra nagawa ka pa ring palitan, at dahil sabi nga nila kapag nakikita mong masaya ang taong mahal mo, masaya ka na rin, kahit nandun an...