Canda's Pov
"san kaba galing bakla?" pagtatanong ko kay bakla kasi kakarating lang nya dito sa bahay ewan ko kung saan pumunta at parang bad trip yata to.
agad naman ako napatingin sa kamao niya at bakit dumudugo!? nakipag suntukan batong baklang to!? omg marunong ng makipag away si bakla omg im so proud!
"hoy bakla ano ba nagyari sayo at bakit may dugo yang kamao mo? nakipag suntukan kaba?"
hindi nanaman nya ko pinansin at tinulungan nalang nya ko sa pagbabalot ng mga sawsawan. kahit late nako nag display ng BBQ madami parin bumubili sakin unlike kay botete na kanina pa sila naghihintay na may bumili sa tinda nilang BBQ kawawang botete.
"wala, mag focus ka sa tinitinda mo" ayun lang sinabi nya bago sya pumasok sa bahay. parang may regla yata ngayun si bakla pero ang alam ko hindi naman dinudugo ang mga bakla ha.
nung dumilim na ang langit nagligpit na agad ako kasi may trabaho pako sa bar hindi ako puwede malate don dahil baka masisante ako. hirap na sungit pa naman nung may ari ng bar na yun.
kahit di ko papala nakikilala yung boss pero sabi ng mga katrabaho ko masungit daw.
"hoy baks hindi kapaba uuwi sainyo? baka hanapin ka ng nanay mo" sabi ko kay bakla habang nakatingin ako sakanya. actually hindi ko pa nakikita nanay ni baks o kahit tatay nya sabi nya lang sakin nasa bahay lang daw nila yung mama nya tapos yung tatay naman nya nangangaso daw sa bundok eh wala naman bundok dito sa bagong katay e puro bahay na nandito at building parang manila na rin.
napatingin ulit ako sa kamay niya hindi manlang niya ito ginagamot kaya lumapit ako sa kamao niya at kumuha sa kalapit na cabinet yung alcohol at bulak.
bigla nalang to napaatras. "lalagyan mo ng alcohol tong sugat ko? baliw kaba ang sakit kaya niyan!" pagrereklamo niya pero di na niya ako napigilan dahil napabuhos ko yung alcohol sa kamay niya.
"ops sadya ko yan! dami kasing drama di nalang linisin ano ba kasi nangyari ha?" pagtatanong ko habang pinupunasan ng bulak ang sugat niya habang siya naman nagpipigil sa sasakit.
sorry wala akong pang gamot ng sugat dito kundi yung alcohol lang hehe.
nang matapos ko ng linisin yung sugat niya agad ko kinuha yung bago kong labahing panyo. syempre lilinisin yan ni bakla no yan na ngalang yung kaisa isa kong panyo e!
hindi nanaman niya nasagot yung tanong ko kaya tumayo na ako. mukang bad trip talaga siya kaya hayaan ko muna.
nakapangbihis nako para pumasok at lumabas nako sa kwarto nakita ko naman si bakla na seryosong nakatingin sakin.
"oh bakit ganiyan ka makatingin sakin?" muntanga to si bakla kung makatitig para akong hinuhubaran charot.
"mag ingat ka papunta sa trabaho mo, kapag may nangyaring masama tawagan moko." sabi nito at tska tumayo para umalis na.
"tanga kaba paano kita tatawagan eh wala naman akong cellphone shunga." agad sya napalingon sakin at tska tumawa. tignan mo buang ang loko.
"ay oo nga pala hayaan mo kapag may pera ako bibilhan kita ng iphone 11 pro" naks akala mo talaga mayaman tong baklang to. "sabi mo yan ha?" nakangiti kong sabi sakanya.
"syempre joke lang uto uto ka naman tignan mo naman tong cellphone kong bulok cherry mobile kapag kakagamit mo 100% na battery tapos kapag ginamit mo ng hindi matagal bilang mag 5%" yung battery niya." nagtawanan kami sa sinabi nya nako baka makita to ng may ari ng cherry mobile yari sya.
"sige na aalis nako! pero mamaya ka na umalis, para naman ikaw magsarado ng bahay no" sabi ko tska tinarayan sya akala nya bati kami tse magisa sya jan.
YOU ARE READING
Hello Stupid, November
Teen Fiction[ON GOING] She is November Miranda, has a dream in life, at may pangarap na sumikap para sa kaniyang ina. hindi niya nakilala ang tatay niya kaya nakapag tanim siya ng sama ng loob. halos lahat na mangiiwan at manglolokong lalaki ay kinagagalit na r...