November's pov
"sure ba kayong ayan ang pinapakuha satin ni boss? bakit ang pangit"
"oo nga eh baka nagkamali lang tayo nang nakuha, kahit natutulog sya ang pangit nya parin"
"true"
"baka enkanto naman yang nakuha natin? baka masumpa pa tayo niyan"
"hahahaha! grabe laughtrip guys"
ako ba pinagsasabihan nilang pangit? dahan dahan kong minulat ang mata ko at sumigaw.
"manahimik ka nga pangit!" sigaw ng kuyang malaki ang tiyan.
"sumisigaw ako kasi ang papangit nyo! makasabi kayo ng pangit sakin bakit gwapo ba kayo? gwapo ka? gwapo ka?" sabay taray sakanilang lima, bwesit to ilalait pa kapangitan ko.
sumisigaw parin ako kasi kahit pangit ako babae parin ako nasa panganib parin ako puro lalaki tong nang kidnapped sakin pero bigla ako napahinto sa pagsisigaw ng napatingin ako sa paligid.
nasa magandang kwarto ako. punong puno ng kulay itim ang kwarto pero may napansin akong picture sa tabi ng kama may isang lalaki na nakasimangot pero di ko maaninag ang mukha nya kasi masyado malayo at tska king size bed yata tong iniigaan ko.
habang busy ako sa kakalibot sa kwartong to biglang bumakas ang pinto kaya napatingin ako don, di ko makita kasi nakaharang yung limang pangit sa harapan ko.
"tabi nga jan di ko makita yung dumating!" sigaw ko sa kanilang lima pero kinagulat ko ng tumabi nga sila.
napangisi naman ako masunurin naman pala tong mga pangit na to "ayan very good–"
napahinto ako ng bumungad sakin yung lalaking nambwesit sakin sa bbq ko at sa loob ng bahay ko."hello november" nakangisi nitong pagbati pero sinamaan ko to ng tingin siya. pumipiglas na ako pero subrang higpit ng pagkatali sa kamay, paa at tiyan ko. wait bakit pati tiyan ko tinali?
"ikaw ba nagpa kidnapped sakin?" matalas ang titig ko sa lalaking to. alam kong mayq gagawin syang masama sakin.
"ye–" hindi ko na sya pinatapos dahil nagsalita ulit ako. "wag kana magpaliwanag kung gusto mo lang katawan ko hindi ako papayag ano to libre libre lang? sa subrang hirap ng buhay ngayun libre lang sayo? ano ka chiks pag laki itlog?"
"baka manok kamo" sabat naman nung isa sa nanglait sakin at tska ko to tinarayan at tinitigan siya ng masama, kung puwede lang pumatay sa titig baka napatay ko na to.
"are you really stupid? I have no interest in your ugly body" napatitig ako sa sinabi ng lalaking nasa harap ko, grabe kanina yung limang lalaki nilait ako pati ba naman to, kalait lait ba talaga mukha ko at katawan?
bigla naman nagtawanan yung limang kumag sa sinabi ng boss nila.
"awit ssob ugly daw."
"ayus lang yan ganyan talaga kapag di pinagpala"
"it really hurtS ang magmahaL ng ganitO xD"
"naintindihan nyo sinabi ni boss? ako kasi hindi e"
"HAHAHAHA laughtrip talaga guys""nakakailan nakayo sa kakalait sakin ha" sabay taray ko sa kanilang anim, kanina lima sila ngayun may pisteng lalake na nakisali kaya anim na sila.
"so kung hindi katawan ko ang pakay nyo bakit kailangan nyo pa akong kidnapin at dalhin dito?" nakataas yung isa kong kilay para mag mukha talaga akong mataray.
"You didn't even listen to me when I went to your house, remember?" pagsasalita ng lalaking nasa harapan ko bwesit di ko parin alam pangalan nito alam ko sa chapter 1 sinabi nya name nya pero nakalimutan ko kasi.
"di ko ma remembrance pero hindi talaga ako sasama sayo non asa ka!" sinamaan ko nanaman sya ng titig bago pumiglas ulit, gusto ko na umuwi dapat naka tinda na ako ng bbq ngayun at nakarami na ng benta!
YOU ARE READING
Hello Stupid, November
Teen Fiction[ON GOING] She is November Miranda, has a dream in life, at may pangarap na sumikap para sa kaniyang ina. hindi niya nakilala ang tatay niya kaya nakapag tanim siya ng sama ng loob. halos lahat na mangiiwan at manglolokong lalaki ay kinagagalit na r...