7: Jane

4 1 0
                                    

November's Pov

Nang malaman kong nandito ako sa mansion ng Ross family at mayor pa ang nasa harapan ko agad ako nag bow sa lalaking to.

kinakatakotan ng mga tao ang Ross Family dito sa bayan namin, ewan ko sa kanila bat natatakot sila jan e tao lang din naman yan at mayor lang naman sya sa bagong silang. yes bagong silang ang pangalan ng bayan namin gulat ka no?

"wag ka na yumuko iha" nakangiti nitong sabi akala ko tong leonardo masungit ang mukha at sabi sabi ng iba nakakatakot daw pero parang hindi naman dahil nakangiti ito sakin.

"may mahalagang sasabihin lang ako sayo kaya ka nandito november" nakangiti parin ito habang sinasabi kaya deretso tong pumasok sa loob ng kwarto.

siya siguro nagpakidnapped sakin? bakit ba kasi kailangan kidnapin ako?-.-

"pasok na." bigla ako nagulat ng magsalita yung lalaking ano ba pangalan nito.

pumasok nalang ako sa malaking pinto at nagulat ako ng makita ko na subrang dami ng books dito parang halos malaking bahay na to tutuusin jusko.

"can you close your mouth? I can smell your stinking breath. kakainis." sabi naman nito hindi ko alam yung pangalan niya tska ako tinignan ng masama pero agad naman siya umiwas ng tingin.

inamoy ko naman 'yung bunganga ko at tama nga siya ang stinking niya pero di nila ako masisi kasi kakagising ko lang nung kinidnap nila ako!

"kikidnapin nyo ko tapos magrereklamo ka na ang baho ng hininga ko e di pa ako nakakapag toothbrush nung kinidnap nyo ko. buang ka ba?" bulong ko sasarili ko. buti nalang di niya narinig.

"maupo ka iha" sumunod naman ako sa utos ng gwapong nasaharapan ko, kahit matanda na ang gwapo parin. tanungin ko kaya kung may jowa s'ya baka puwede nya akong jowain charot.

"ikaw hindi kaba uupo?" ng pagkasabi non ng daddy niya bigla ko naman tinignan yung lalaking nanlait din sa bunganga ko nakatayo lang to malapit sa pintohan at kitang kita ko sa mga mata nya na boringan na sya sa nakikita nya.

"no need. just tell us what you have to say." at tinarayan nanaman nya kami. siguro bakla to taray ng taray eh akala mo naman mukhang ma attitude.

"okay november, iha" pagtatawag sakin ng leonardo ba pangalan nito. at tska tumingin sa lalaking nasa likod ko lang.

buti nalang hindi englishero tong si daddy leonardo hindi tulad ng nasa likod lang namin akala mo nasa ibang bansa kung makapag english.

"ayaw mo rin ba lumabas son?" son? ibig sabihin anak nya to? kaya pala may pagkahawig di ko na pansin yun ha..

"why do I have to go out?" deretsong nyang sabi sa tatay nya, wala manlang syang po o opo halatang walang galang tsk.

"alright dahil gusto mo rin naman marinig ang sasabihin pwes alam kong ikakagulat mo to Red" ay red pala name nya sabi na eh sinabi nya sa chaprer 1 na sya si red na hindi naman kulay red ang balat nya.

"gusto ko tumira kayo sa iisang bahay" bigla ako napa tingin ng husto sa mayor. wait tama ba pagkakarinig ko o may dumi lang sa tainga ko?

itong anak niya?  iisang bahay? kami? nitong lalaking nagpa kidnap sakin??

"wha–" naputol ang sasabihin ni red ng magsalita ulit ang daddy nya.

"hindi pa ako tapos, uulitin ko. gusto ko tumira kayo sa iisang bahay at hindi dito sa mansion na to" ngumiti sya habang sinasabi yun.

bigla ako tumayo at tinignan ng hindi masyadong masamang tingin sa mayor.

"ibig nyo pong sabihin sa bahay ko? sorry po pero bakit kailangan niya tumira sa bahay?" hindi ko na matiis at nagtanong na ako. syempre di ako makakapayag at tska mayaman naman sila ha bilhan nalang niya yung anak niya ng bahay hindi yung makikitira pa siya sa bahay namin.

Hello Stupid, November Where stories live. Discover now