CHAPTER FIVE

1 0 0
                                    

Before the first day of class start.

Aisha's POV

Nagsulat ako ng letter kasi alam kong kailangan kong gawin yun

Tinago ko ang envelope na may nakasulat na "Chloe," sa ilalim ng kama ko

Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ng best friend ko ang totoo

Pero ngayon pa lang, sana mapatawad niya ako

Patawarin mo ako, Chloe. Mahal na mahal kita.

——

Chloe's POV

Buong araw akong nakasimangot lang dahil sa nalaman ko, ganiyan pala ang totoo mong ugali Aisha, sa ilang taon nating magkasama may pinaplano ka na palang masama sa 'kin

——

"Hi, are you okay?" tanong ng seatmate ko

Nakikipag usap pala 'to? Haha

"Yeah, I'm fine" sagot ko at inirapan siya

"Umm sorry for bothering you, nung first day pa lang kasi parang gusto na kita, I mean gusto kitang maging kaibigan" sabi niya

"Sige, okay lang" sagot ko

Siguro medyo makakalimutan ko ang hinanakit ko kay Aisha dahil sa lalaking 'to

"Yes, so hi I'm John, alam ko namang ni isa sa mga kaklase natin, hindi mo kilala at napansin ko ding palagi kang nakatulala sa bintanang yan" patawa niyang sambit

"Well, hello there John, FYI may kilala ako sa kaklase natin, yung bes— I mean yung pinsan ko" sabay irap ko sa kaniya

Ang weird nang lalaking 'to hayss, akala ko di nakakausap, mas madaldal pa pala sa 'kin

—-

"Hatid na kita?" alok sa 'kin ni John

"Umm hindi na, kaya kong umuwi mag isa, bye" paalam ko

Binilisan ko ang lakad dahil alam kong susunod na naman ang lalaking yun at hindi nga ako nag kamali, nasa likod ko na agad siya

Natatakot tuloy ako, para siyang stalker.

—-

Pagka uwi ko sa bahay, naabutan ko si kuya.

"Hi kuya, ikaw lang ang nandito?" tanong ko

"Malamang, may nakikita ka bang ibang kasama ko?" ang pilosopo talaga niya

"So kailan ka pa dumating?" tanong ko

"Kahapon pa" sagot niya

So siya pala yung narinig ko kahapon na naglalakad sa baba, grabe akala ko multo na

—-

Pagkatapos kong kumain ay natulog na din ako, ewan ko ba feeling ko pagod na pagod ako kahit 2nd day of class pa lang namin.

THE OTHER SIDE(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon