Chloe's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko, lumabas ako ng kwarto
Sinundan ko ang ingay na naririnig ko
At dinala ako nito sa harap ng pinto nang kwarto ni kuya
Binuksan ko ito ng dahan dahan
There's a girl, but it's just a silhouette
Binabalatan niya si kuya gamit ang basag na salamin ni mommy
Napansin kong di na gumagalaw ang katawan ni kuya at sa palagay ko, patay na siya
Pagkatapos niyang balatan si kuya, winasak niya ang dibdib nito gamit ang maliit na kutsilyo na sa wari ko ay isa itong cutter knife
Inisa isa niyang kunin ang mga lamang loob nito, simula sa baga, sa puso at pati na rin may bandang tiyan
Walang lumalabas na luha sa aking mga mata bagkus ay nakakaramdam ng saya ang aking dibdib
Bakit ganito, anong nangyayari sa akin, sana panaginip lang ang lahat
Bakit wala sina mommy? Hindi ba nila narinig ang narinig ko kanina?
Bakit ako lang ang nandito?
—-
Natapos na ang gawa nang babae, nagkalat din ang dugo at mga lamang loob ni kuya sa kwarto niya
Nagulat ako, biglang nawala ang babae
Nasaan na siya?
Daglian kong isinara ang pinto at pagtalikod ko
Ang babae nasa harap ko na
Nakakatakot, ngunit isa lang ang nararamdaman ko
Masaya
"You and I are just one" sambit niya
"Sino ka?" Tanong ko
Habang nag uusap kami ay naging madilim na lamang ang aming kapaligiran, na para bang nasa isang silid kaming maliit na kami lamang ang tao
Ngunit tao nga ba ang kaharap ko?
"I am you, the other you, but the opposite of being you" sagot niya
"Pero bakit? Bakit si kuya? Alam naman nating si daddy ang bumababoy sa katawan ko" naguguluhan kong tanong
"Si kuya yun, yung bracelet na nakita mo? Oo kay daddy yun pero binigay na yun kay kuya, nagpanggap si kuya na siya si daddy para matakot kang magsumbong sa mga pulis o kahit kay mommy lang, ginaya ni kuya ang boses ni daddy para malinlang ka." mahabang paliwanag niya
Naguguluhan na ako
"Makukulong ako, ako ang pumatay kay kuya" umiiyak na ako sa kaba
"Hindi ka makukulong, sinisiguro ko yan" hanggang sa naglaho na siya at tuluyan nang dumilim ang paligid.
—-
Sinampal ako ng liwanag na nanggagaling sa aking bintana, nakatali pa rin ako pero punit ang aking mga damit
Ibig sabihin panaginip lang na wala na si kuya at si dad talaga ang gumahasa sa akin
Kailangan ko ng tulong, si kuya na lang ang meron ako
"Kuya! Tulungan mo ako!" sigaw ko
Biglang bumukas ang aking pinto
Si mommy, umiiyak
"Chloe, anong nangyare sa iyo?" galit na tanong niya
"May nangrape na naman po ulit sa akin kagabi" malungkot kong tugon
Sinimulan niyang kalasin ang mga tali
At nang matapos ito ay lumuhod ito sa may tabi ng aking kama at doon ay narinig ko siyang humagulhol
Kahit hindi kami close sa tingin ko kailangan ko siyang tulungan
"Mommy bakit ka po umiiyak? May problema po ba kayo?" Tanong ko habang binabalot ko ang aking sarili sa aking kumot.
"Wala na, wala na siya, wala na si Ace" mahina nitong tugon
Paanong wala na si kuya? Diba panaginip lang ang lahat?
Ibig sabihin totoo, totoong si kuya ang gumahasa akin at hindi si daddy
"Paano po nangyare yun?" Tanong ko
Biglang tumayo si mommy at sinakal ako
Hindi ako makahinga
"Kasalanan mo ito, kasalanan mo lahat ng ito, ang dapat sa iyo mamatay!" Sigaw niya
Tulong, hindi ako makahinga
"Mandy, itigil mo yan" pigil ni daddy kay mommy
Sunod sunod ang aking paghinga nang bumitaw na siya sa aking leeg
"Anong ginagawa mo? Pati ba naman ang isa nating anak gusto mong patayin?" Galit na tanong ni dad kay mommy
"Dahil sa babaeng yan kaya wala na ang aking anak" galit nitong sagot
"Aminin mo na lang sa sarili mo na isa kang baliw at pinatay mo ang anak mo" sigaw ni dad kay mommy
Umiyak na lamang si mommy
"Okay ka lang ba anak? Alalang tanong sakin ni daddy
"Opo dad" nahihiya kong sagot
Hanggang sa may dumating na mga pulis, nilinis nila ang nangyareng krimen at dinakip din nila si mommy.
BINABASA MO ANG
THE OTHER SIDE(on-going)
Misteri / Thriller"She is me. She is my one and only best friend. She is the other me, my dark side." Are you willing to let go your dark side to protect your own sake?