CHAPTER SEVEN

0 0 0
                                    

Chloe's POV

Exam day na pala namin bukas, ang bilis ng panahon.

"Okay class, good luck sa inyong lahat bukas, para sa exam day niyo. Mag aral kayong mabuti and I hope na maipasa niyong lahat bukas ang exam kasi isa yun sa mga requirements para makapag enroll kayo next semester. So that's all, thank you. Goodbye class." Pagpapaalam ni Ma'am Nel

"Thank you ma'am, goodbye" paalam namin

—-

Maagap kaming pinauwi ni Dean, in-announce niya ito at ibinalita sa lahat, para daw makapag handa kami bukas para sa exam.

Naglakad na lamang ako pauwi, I don't know basta feel kong mapag isa ngayon, kailangan kong mag isip.

Habang naglalakad ako palabas ng gate ng school may biglang tumabig ng balikat ko.

Muntik na akong ma-out of balance mabuti na lang naalalayan ako ni John.

Grabe 'tong lalaking ito bigla bigla na lang sumusulpot.

Ang bumangga sa 'kin ay ang bagong friend ng best—- ng pinsan ko.

Magkasama sila ni Aisha habang masayang nagkekwentuhan.

Ang sakit makitang masaya siya iba, di ko napigilan sarili ko. Napayakap na lang ako kay John at nagsimulang umiyak.

Nang mahimasmasan ako kumalas na ako sa yakap at naglakad palayo.

Naramdaman kong sumunod pa rin sa 'kin si John.

——

Dito na muna ako magpapalipas ng oras sa park, umupo ako sa bench na naroon sa park, tumabi din sa akin si John.

Tinignan ko ito ng masama.

"Bakit ka ba sunod ng sunod?" pagalit kong tanong

"Nothing, naisip ko lang, baka kailangan mo nang kausap, nandito lang ako" nakangiti niyang sabi

Inirapan ko na lamang siya at nagsimula na naman akong umiyak.

Bakit niya nagagawa ang mga bagay na iyon?

Anong masamang bagay ba ang nagawa ko sa kaniya?

Bakit nagbago ka Aisha? Anong nangyare sa iyo?

——

"If you want a friend, I'm just here" then umalis na siya kaagad

Ang weird nang lalaking yun.

Mga 6:00p.m na din pala, gabi na. I think I need to go home now.

—-

Nakita ko na naman siya, ang bumaboy sa katawan ko.

"Hi dad" I smiled at him with anger on my eyes

"Hi kuya" I smiled at him and hugged him

"Umm hi mom" di niya ako pinansin

Pero mabuti na lang at naisipan din nilang umuwi, akala ko di na sila uuwi dito sa sarili nilang pamamahay.

"Pahinga na po ako" paalam ko kina mommy, nasa sala sila habang masayang nanonood sa TV.

Wala din naman silang pake at di rin nila ako isasama sa bonding ng pamilya nila.

Matagal ko nang napapansin na ayaw nila sa 'kin ni mommy, she hates me that much.

—-

Tutal wala din naman akong gana, natulog na lang ako, ni-lock ko na din ang pinto at bintana ng kwarto ko, mabuti na yung maingat ako.

THE OTHER SIDE(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon