Chapter 17: LOVE GURU

538 9 19
                                    

Chapter 17: LOVE GURU

"Maayos na ba pakiramdam mo Nice? Gusto mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong ni Nico sakin habang yakap yakap nya ako.

"May trabaho pa ako mamaya Nico tsaka baka may iutos pa sakin si Chad."

Naramdaman kong tumango sya sa may ulunan ko "I'll be there before ng out mo, i'll pick you up para sabay na tayo umuwi"

Hinigpitan ko lang ang yakap ko sakanya, i'm so thankful that he's always stays by my side no matter what.

"Pero are you sure you can work already? by your state now I can't be so sure na kaya mo na talaga. Ang tigas naman kasi ng ulo mo kahit naman hindi ka na kumuha ng part time job mabubuhay ka pa din. Andyan ang Auntie Liz mo, hindi ba't buwan buwan ka nyang pinapadalhan ng allowance mo? Tsaka bilang dean's lister may 10% na allowance ka ding nakukuha." mahabang paliwanag nya.

Agad akong napaupo para makita sya ng diretso "Hayaan mo na ako Nico gusto ko lang paghandaan ang future ko, gusto kong kahit sa ganitong way lang may magawa naman ako. Ayokong umasa sa bigay ng auntie ko, nagiging pabigat lang ako ayoko ng ganung pakiramdam. Intindihin mo na lang ako."malumanay na paliwanag ko

Wala na syang ibang nagawa pa kundi sumang-ayon para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko. Although alam kong may part sakanya na hindi pa rin magawang sumang-ayon ng buo, masyado syang protective at oa pagdating sakin kaya hindi ko din sya masisisi kung bakit ganyan na lang sya umasta sakin.

He really wants what's best for me.

Inakay na rin nya ako patayo patungong parking lot dahil padilim na rin ang paligid.

"Slave" bungad ni Chad ng masalubong namin sya.

Agad na napakunot ang noo nya pababa ang tingin sa kamay ni Nico na nakaakbay sakin. Pasimple ko itong tinanggal pero lalo lang hinigpitan ni Nico.

"Your number" masungit na sabi nya.

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya dahil hindi ko maintindihan ang gusto nyang sabihin "My number?" ulit ko sa tanung nya malay ko ba kung anung number ang sinasabi nya.

"Phone number dummy."naiinis na sabi nya.

Napakamot ako sa ulo "Anu wala kasi akong cellphone eh"

"What?!"  napatakip kami ng tenga ni Nico dahil sa lakas ng sigaw nya. Magkakaharap lang kame kung makasigaw parang milya ang layo samin eh.

Pambihira mukha ba akong nagsabi ng alien words para ganyan sya mag-react? =_____=

"Tao ka ba talaga? Sang bundok ka ba galing at hindi ka nainform sa paggamit ng cellphone?"

"Myloves talaga mukha ba akong alien sa paningin mo?" disappointed na sabi ko natatawa na lang si Nico saming dalawa. "Sorry naman di ako mahilig sa mga gadgets gastos lang yan sa load wala din naman akong itetext"

Playing for Keeps (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon