Chapter 9: BIPOLAR

645 11 2
                                    

Chapter 9: BIPOLAR

Wednesday kaya maaga akong pumasok kahit na 6:30 pa lang may assignment akong di ko nagawang tapusin kagabi dahil sa mga walanghiyang utos ng mahal kong hari badtreep! Wala akong choice eh wala namang akong pera para bayaran yung lintek na suit nyang worth 50,000 eh. Wala syang awa, ako ba naman ang pinagawa ng sandamakmak na projects at assignment nya ng isang linggo dahil tinatamad daw syang gawin. Anaknamantalagangnanay nya ou.

Medyo papikit pikit pa akong nagawa ng assignment dito sa garden, first subject pa naman namin ang Math buti na lang matalino ako keri lang ng powers ko. Buti na lang dito ko naisipang gawin ang assignment ko bukod sa tahimik na presko pa pag sa bahay kasi hinihila lang ako ng kama at sofa na matulog eh wala din akong matatapos.

“YESSSSSS! Sa wakas natapos din kita wuhooo!” sigaw ko sa ere ng matapos ko na ginagawa ko wapakels kahit magsisigaw ako walang masyadong makakarinig sakin tsaka medyo tago kasi tong lugar na to kaya safe ako.

Nagulat ako ng biglang may bumagsak na tao sa harapan ko nafreeze pa tuloy sa ere yung mga kamay kong nakataas kanina.

“Aaah too noisy!” sabi ng lalaking mukhang galing pa sa puno medyo husky pa ang boses siguro kagigising lang nito pero shet gwapo ng boses.

Bigla syang humarap sakin nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat “IKAW?”

“Me?” bored nyang sagot ay bipolar sya.

“Yes you nga. Grabe pinakaba mo ako akala ko kung sino na yung nalaglag sa puno ikaw lang pala” sagot ko ng nakangiti sakanya ibinaba ko na din mga kamay ko nakakahiya baka maamoy pa nya kilikili ko

“tss! Scardy cat” ay suplado ni kuya samantalang dati makangiti wagas ngayon naman poker face lang anyare kay Mr. Smiley? Kulang sa tulog?

Umupo sya sa ugat ng punong nakausli malapit sa tinatayuan ko.

“hindi naman nagulat lang sobra ka naman” awkward na tawa ko sakanya

“early bird huh?” nakapikit na sabi nya akala ko tulog eh

Tinititigan ko lang sya, pinagsawa ko mga mata ko sakanya ngayon ko lang kasi sya nakita ditto sa school err baka dahil di talaga ako ganun kafriendly kaya hindi ko masyadong kilala mga students dito.

“gonna melt” bigla nyang ibinukas isang mata nya yung parang nakakindat

“ay sorry! Ang gwapo mo kasi” natakpan ko bigla bibig ko dahil sa gulat. Namula din ako pagkasabi ko nun di ko alam kung sa hiya o sa kilig eh. Talande ko uy! Ang hilig sa gwapo.

Yah! Nakakahiya nasabi ko yung nasa isip ko lang dapat yun eh. Narinig ko namang tumawa sya ng mahina kaya napatunganga na naman ako sakanya.

“Thanks” ngiting sabi nya “Sit nakakangalay tumingala habang nakikipag-usap sayo” pinat nya yung kabilang ugat ng puno tsaka nya ako hinila para makaupo sa tabi nya.

“ahm ano matagal ka na bang nag-aaral dito” tanong ko ng makaupo ng ako ng maayos

Sinilip lang ulit nya ako gamit ang isang matang nakabukas “yeah, you didn’t know?” medyo may halong pagtataka sa boses nya

“eh bakit parang ngayon lang ata kita nakita?”

Nakita kong umayos na sya ng upo “mahigit isang libo ang students ng WesLi hindi naman siguro malayong hindi mo talaga ako mapapansin”

“sabagay tama ka nga, hindi rin kasi ako ganun kafriendly eh” humarap ako sakanya ng may maalala akong itanong “nga pala ang tagal na simula nung una tayong mag-usap sa park hanggang ngayong nakausap ulit kita di ko pa rin alam pangalan mo eh” napakamot pa ako sa ulo hobby ko na yung ganito pag medyo nahihiya ako o kaya awkward yung moment

“Terrence” maikling sagot nya sabay abot ng kamay nya for a handshake

Kinuha ko naman ito at nakipaghandshake iii hang lambot ng kamay talo pa kamay ko ang haba ng mga daliri nya parang kandila ang ganda “Eunice Lim”

Isang maikling I know lang naman ang sinabi nya, nakakaflatter naman at kilala nya ako >////<

“alam mo familiar yang pangalan mo, parang narinig ko na kasi kung saan yan eh” biglang sabi ko palibhasa makakalimutin ako lalo na sa mga pangalan eh

“you really don’t know me? Unbelievable akala ko sikat kami may iba pa rin palang ignorante samin” ang gwapo lang ng tawa nya

Binumggo ko sya ng mahina sa balikat iih feeling close ako “oy sobra ka! Di ako ignorante ah”

Ginulo lang naman nya yung buhok ko iih wag ganun kinikilig ako sa ganyang gesture eh I feel love kapag ganyan charing love agad agad?

“It’s Terrence Jed Chua, one of the Quadropings member” bigla syang tumayo at saka umalis na kumaway pa nga ng nakatalikod bago tuluyang umalis eh

Ako eto nganga! T*NG*N* sya si Terrence Chua ng Quadropings? Si Mr. Smiley na may pagkabipolar? Isang Quadropings? Ay t*ng* kaya pala ako nasasabihan ng ignorante eh bakit di ko man lang napansin at nalaman yun ang bobo ko lang. palibhasa kay Chad lang kasi nakatingin eh nako ang gwapo pala nya talaga nya crush ko na tuloy sya iih pero second crush lang may myloves na ako eh.

Playing for Keeps (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon