Chapter 19:CELLPHONE

537 6 14
                                    

Chapter 19:CELLPHONE

"Mall? magshoshopping ka Myloves?" takang tanong ko ng maipark na nya sa vicinity ng mall ang sasakyan nya.

"Mukha ba akong magpapalaba sa mall slave?" masungit na balik nya. "Labas na, hindi ako gentleman para pagbuksan ka pa ng pinto"

Walanjong yan, grr.! Hindi naman ako nag-eexpect ng ganun eh.

Pagkapasok namin ng mall pinagtitinginan sya halos lahat ng mga babae mapamatanda man o bata, single man o married. Pero parang hindi man lang sya aware sa paligid nya dire-diretso lang sya ng lakad na parang sya ang may ari ng mall.

Kung makapaglakad naman sya parang wala syang kasama ah. Ang lalaki pa naman ng hakbang nya, sa bawat limang hakbang nya katumbas lang ng dalawang hakbang ko. Sa haba ba naman ng biyas nya kulang na lang tumakbo ako para maabutan ko sya.

Dumiretso sya sa loob ng cell shop na agad ko namang sinundan. Maayos pa phone nya ah bibili na naman sya?

Nalulula ako sa presyo ng mga phones na nasa paligid ko, halatang mamahalin talaga. Sinong tao ang gagastos ng 70k para sa isang piraso ng phone? Kalokohan.

"Give me your latest model of iphone" cold na sabi nya sa babaeng nasa counter. Nakuha pang magpacute, ang landi lang ng hitad.

"If looks could kill malamang pinaglalamayan na sya ngaun slave" bulong ni Myloves ng makalapit sya sa pwesto ko.

"huh?"

"Your jealous! Don't worry slave hindi ang tipo nya ang type ko"

"Eh ano pa lang type mo?..." napatakip ako sa bibig ko ng marealize na masyado akong obvious "Teka sino may sabi sayong nagseselos ako?" nakangusong sabi ko

"It's obvious slave. It's written all over your face" nagpipigil na ngiting sabi nya.


Saglit akong napatulala sa mukha nya, agad naman nyang inipit ang ilong ko ng may panggigigil.

Bago pa ako makapagreact bigla na lang tumikhim yung malanding babae sa counter "Ahem! Eto na po yung phone sir" malanding sabi nya, may paipit ipit pa ng hibla ng buhok sa likod ng tenga.

Ang landi.!

"What you think about this one baby?" malambing na tanong nya habang pinapapili ako sa dalawang color ng iphone 6 sa harap ko. Nakita ko syang kumindat na sinasabing 'sumakay ka na lang slave'

Playing for Keeps (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon