Chapter 21: SLEEPOVER

809 8 18
                                    

Chapter 21: SLEEPOVER



Inabot na kami ng hapon sa pag-aaral kaya napagdesisyunan nilang mag stay over na lang dito sa bahay for this night. I was totally shock dahil ready silang apat for staying here sa bahay para silang boy scout laging handa.



"Where did you get those clothes?" tanong ni Ate RC ng makita ang laman ng bag nila. "You seemed to planned to stay here huh?"she added.



"Actually we planned to stay at Chad's place Chlyde"



"Panu yan isa lang ang guest room namin kakasya ba kayong apat dun?"



"Okay lang Nice sanay naman tong si Pula sa lapag lang kung matulog kaya walang problema"



"Kanina ko pa napapansin na pinagkakaisahan nyo ako. Ang sasama nyo, mga wala kayong puso, atay, at balon-balunan. Wala kayong awa sa MAS GWAPO sainyo, respeto naman mga dude" nakalabing sabi nya.



Humagalpak kami ng tawa dahil sobrang funny ng duck face nya, damn he's so adorable to watch. No wonder girl's are drooling over him, over these four gorgeous guys. Malakas sa sense of humor. he's a jolly type of person yung tipong lahat ng bagay dinadaan sa biruan pero sa tingin ko sya yung klase ng taong seryoso sa pagmamahal. Playboy at maloko sya physically but he has good and pure heart.




He's sweet at times lalo na pag nasa mood, minsan binibigyan kami nyan ni ATe RC ng bulaklak kapag napapadaan sa garden na madalas patago kung pumitas dahil bawal, sabi nga nya MASARAP ANG BAWAL DAHIL MAY THRILL.



Napagkasunduan na sa sa guest room mag-stay si Ian at Red, tapos sa kwarto ko sina Myloves at Terrence. Kaming tatlo nila Nico sa master's bedroom kahit ayaw pumayag nina Myloves at Rence na kasama namin si Nico sa room kasi daw he's a guy unless kafederation daw namin sya which I highly doubt. Wala din silang nagawa dahil bahay ko ito at ako ang masusunod.



Ng matapos kaming magdinner, we all decided na magmovie marathon to rest our mind from restoring too much information, baka daw kapag nag-aral pa kami at nadagdagan ang alam nila sasabog na lang lahat which lead to mental block pagdating ng exam.



"horror pare"



"wag yun corny, action na lang para exciting"



Kasalukuyang nagtatalo sina Ian at ,Red kung anung papanorin namin. Di kasi sila magkasundo sa movie na papanuorin. Kaming lima prente lang na nakaupo sa kanya kanyang pwesto dito sa EnR may mini cinema kasi dito sa loob.



Nakakarindi silang pakinggang nagtatalo sa totoo lang, minsan nakakaenjoy silang panooring dalawa pero mas madalas nakakabwisit simpleng bagay lang pinag-aawayan.



Di na nakatiis si Myloves kaya sya na ang namili at nagsalang ng cd sa dvd player kaya wala ng nagawa pa yung dalawa kundi ang umupo na lang sa lapag at tahimik na nanuod.



Nakakadalawang movie na kami at halos patapos na yung pangalawa ng maramdaman kong humiga sa lap ko si Myloves. Medyo nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat at kiliti na nararamdaman ko dahil sa buhok nyang nakapatong sa hita kong expose dahil sa ikli ng shorts ko.



"Don't be so stiff, relax slave. I'm sleepy and this is a bit comftable" he said.



Kumuha ako ng unan sa gilid at ipinatong ito sa hita ko "Nakikiliti kasi ako" I said ng maiayos na ang unan. "There you go"



Pagkaayos ng unan sa ulo nya, kinuha nya ang kamay ko at ipinatong ito sa dibdib nya medyo naiilang ako dahil hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko hanggang sa matapos ang pinapanuod namin ganun pa din ang posisyon naming dalawa.




Nakakakilig sa totoo lang dati pangarap ko lang yung ganito kami kasweet na kahit hindi sya aware sa medyo intimate moments namin di ko mapigilang makaramdam ng tugs tugs tugs sa bandang dibdib ko. Madalas na ganito ang reaction ng puso ko kapag nasa malapit lang sya yung tipong kulang na lang himatayin at magka heart attack ako ng dahil sakanya.



Ng makaapat na movie na kami bagsak na sina Ian at Red sa nilatag na comforter sa sahig, at si Ate RC na nasa single sofa kaya naman binuhat na lang sya ni Nico sa inilatag kong isang pang comforter. Hassle daw kapag inakyat pa nya sa 3rd floor baka daw di nya kayanin sa baboy daw na timbang ng kapatid kulang ang isang libong itatapal na salonpas sa likuran nya.



Ang sama lang nyang kapatid. In the end sa EnR na lang din kaming natulog lahat, kaming dalawa ni Ate RC ang nasa gitna.


Si Nico dapat ang nasa right side ko kaya lang pinalayas sya ni Myloves.



"You stay beside your sister Ford, I'll stay beside my slave.I don't care if your THE BESTFRIEND, I can't trust you enough to sleep beside her" nakakunot at nakacross arms na sabi nya.



"Should I be the one telling you that Smith? I've known her for so long how bout you? you've known her for just weeks" seryosong sagot ni Nico parang may kuryente sa pagitan nila na once pumagitna ka ikaw ang masusunog sa talim ng tingin nila sa isa't isa.




Hindi ko maintindihan kung bakit parang nilalayo ako ni Myloves kay Nico tsaka para syang laging may issue sa bestfriend ko, na lagi namang pinapatulan nung isa. parehas silang pasaway at sakit sa ulo.



"Halika na TG, ako na lang tatabi sayo" tatawa tawang sabi ni Rence habang nakaakbay sakin.



Hindi pa kami nakakahakbang ng isa may padabog ng humila sakin at maharas na nagtanggal ng kamay ni Rence na nakaakbay sakin.



"Nalingat lang kami saglit dumamoves ka na agad, balak mo bang maputulan ng kamay huh? Nawiwili ka sa kakaakbay sa Slave ko" nag-aalburotong sabi ni Myloves habang hinihila ako papunta sa nakalatag na comforter at inihiga ako sa tabi nya.



"What's the problem man? kayo nga tong busy mag-away dyan. Nagmagandang loob lang ako" surrender na sagot ni Rence na di mapigilang tumawa. Medyo nagiging hobby na nya ang tumawa ng tumawa kaya madalas na nagugulat sina Ian at Red sa mga ikinikilos nya.



Binato sya ni Nico ng unan na nahablot nito sa sofa, lalong napahagalpak ng tawa si Rence ng sabay syang sabihan ng bestfriend ko at ni Myloves ng pagkalutong lutong na BALIW.



Kaya in the end naging ganito ang pwesto namin.



Red - Ian - Nico - RC - ako -Chad -Terrence



Hinagisan ako ni Nico ng dalawang malalaking unan ng makapwesto kaming lahat ng maayos sa sahig."Etong unan pandagdag sa harang nyong dalawa, baka gapangin ka ng ibang tao dyan"



"Akong bang pinapatjmaan mo Ford?" kunot-noong sagot ni Myloves na prente ng nakahiga sa gitna namin ni Rence.



"Wala naman akong nabanggit na apelyido o pangalan mo Smith. Hindi ko kasalanan kung nag-assume ka na ikaw yun problema. mo na yan. Malinis ang konsensya ko" Pabalang na sagot ni Nico.



Napaupo ako ng dahil sa sobrang inis sa dalawa. "Anu ba hindi na ba kayo titigil sa kakasagutan dyan may mga natutulog sa tabi-tabi nyo konting respeto naman. Kung gusto nyo kayong dalawa na lang ang magtabi ng hindi kayo nagbabangayan dyan."



"Sabi ko naman sayo TG tayo na lang ang magtabi eh" Singit ni Rence.



"Manahimik ka Chua" sabay na naman na sabi ng dalawa.Wala ng nagawa pj si Rence kundi ang manahimik na lang "Sabi ko nga tutulog na ako" sagot nya at Tuluyan na ngang natulwng



"Kung ayaw nyong matulog na dalawa bukas na bukas yang malaking pintuan ng EnR, mga pasaway" dismiss ko sa usapan at nanggagalaiting nahiga na ulit sa pwesto ko.


Playing for Keeps (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon