Chapter 5:RC

711 11 0
                                    

Chapter 5: RC

Beep beep beep

“andyan na!” sigaw ko para marinig ni Nico sa labas. Ng matapos akong magbihis at magsuklay ng mabilisan tumakbo na ako agad agad sa labas. Ng masiguro kong maayos na ang pagkakalock ko sa bahay sumakay na rin ako sa kotse nya.

Yeah right rich kid eh may sarili sasakyan, pero mas madalas gusto nyang maglakad para exercise daw.

“antagal mong magbihis alam mo namang atat na atat kang makita ng nanay ko.” Nakangusong sabi nya, grabe naman magselos to.

“seloso hahaha”

Agad na rin naman syang nagdrive at 5 minutes lang viola! Nasa harap na kami ng mansion nila ou mansion talaga, sobrang lawak ng bahay nila, may fountaion sa harap mismo ng bahay na mommy nya ang nagdesign ang galing no. Pagpasok mo naman sa loob bubungad agad sayo ang sala nilang black and white ang motif, at may staircase sa may bandang kanan ng bahay papuntang 2nd floor, actually may tatlong palapag ang bahay nila. 5 kwarto sa 2nd floor, at yung 3rd floor pure na pang entertainment, may bar, music room, pwede ka ding maglaro dun ng billiards. Basta sobrang laki ng bahay nila to the point na maliligaw ka pa kapag di mo nakabisado ang pasikot sikot.

“RiRi my child how have you been?, dalagang dalaga na ang bunso namin ah. Sobrang namiss kitang bata ka” salubong agad sakin ni Nanay Lia, niyakap pa nya ako ng sobrang higpit.

Riri ang tawag sakin ni Nanay Lia galing sa second name kong JhaiRielle na syang nagpangalan sakin.

“I miss you too Nanay Lia, kamusta po ang byahe?”

“It’s so tiring bunso, come on your Tatay wanted to see you too” masayang sabi nya sakin.

Iginaya nya ako papunta sa dining room, nanunang ng pumunta si Nico habang nagkakamustahan kami ng mom nya.

Ng marating namin ang dining room nakita ko si Tatay Rico na nakaupo sa pinakacenter ng dining table, I greeted him at tuwang tuwa sya habang kinakamusta ako. Malapit din kami ni Tatay Rico since I used to go with them ni Daddy during Saturday hangout nilang dalawa kasama si Nico.

“Hello fellas!” masayang bati samin ng isang maganda, at sexy na babae, mas matanda lang siguro sya sakin ng isa o  dalawang taon,  hindi ko sya kilala since ngayon ko lang din naman sya nakita.

Medyo nagtaka pa ako nung tinawag nyang Mom si Nanay Lia. Mukhang nabasa naman ito ni Nanay kaya ipinakilala nya ako ditto.

Playing for Keeps (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon