Chapter 02

3.4K 184 2
                                    

DAHIL walang magawa kaya naisipang pumunta ni Syra sa kabilang mansiyon. Nagkataon naman na wala roon ang buong pamilya Salcedo. Nasa Maynila raw ayon sa kawaksi.

"Baka mamayang gabi pa ang uwi nila o 'di kaya naman ay bukas pa," imporma pa rin ni Helen.

"Ganoon po ba. Ano pong ginagawa nila roon?"

Lalong lumapad ang ngiti sa labi nito. "Kasi naman Syra dumating na si Sir Ash," kinikilig nitong pagbibida sa kanya. "Ang sabi nga nina Ma'am Yusumi ay guwapo raw talaga ang bunso nila."

Hindi niya napigilan ang mapatawa dahil sa reaksiyon nitong iyon. "Daig mo pa ang isang high school student kung kiligin Ate Helen."

"Sino ba namang hindi? 'Yung nakita kong picture ni Sir Ash noong bata pa siya ay talagang guwapo na. Paano pa kaya ngayon? Pero 'wag kang mag-alala dahil ibabalato ko na sa iyo si Sir Ash. Tutal 'di hamak na mas bagay kayong dalawa."

Napairap siya. "Naku, sa iyo na lang. Hindi kita aagawan." Kinindatan pa niya ito. "Alis na ako, Ate Helen." Paalam niya bago nagtuloy-tuloy na palabas ng gate.

Gaano man kalaki ang ka-curious-an niyang nararamdaman para sa parating na si Ash Salcedo ay isinantabi na muna niya iyon ng makita si Mandi. Ang pinaka-papansin na yatang babae sa kanilang street. A head lang ito sa kanya ng isang taon. At sa lahat na yata ng guwapong lalaki ay reyna ito ng papansin.

"Hi, Mandi!" Nakangiti pa niyang bati rito ng dumaan ito sa harapan niya.

"Hi, yourself. Wala akong panahon para sa mga hindi ko ka-level."

"Bakit? Nag-level-up ka na naman ba?" Biro niya.

"Ewan ko sa iyo. Hmp."

Natatawang sinundan na lang niya ng tingin ang papalayong si Mandi. Kahit na ganoon ang ugali ni Mandi ay hindi naman niya ito sinusungitan kagaya ng ginagawa nito sa kanya.

Napahikab siya. "Parang masarap matulog." Sinulyapan niya ang kanilang bahay. Pagkuwan ay bumaling uli sa Salcedo mansion. "Hmm. Makikitulog muna ako," aniya na muling bumalik sa kabilang bahay.

"Oh, Syra. Bumalik ka!" Salubong sa kanya ni Helen ng makita siyang pumasok sa main door.

Agad siyang umangkla sa braso nito. "Ate Helen, inaantok ako."

"Anong gusto mo? Patulugin kita?"

Umiling siya. "Hindi. Makikitulog muna ako rito. Sa guest room."

"Saan pa nga ba? Sige at sasamahan na kita para maayos ang mahihigaan mo."

"Salamat po."

Paakyat na sila sa grand stair ng mansiyon ng makasalubong nila ang mayordoma.

"Nay Carmen, makikitulog po muna ako," paalam pa niya sa matanda.

Tumango lang ito bago nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.

"Iba ka talaga Syra. Basta pagdating sa iyo sa bahay na ito ay wala na akong masabi. Feel at home ka talaga lagi."

"Sshh. Baka may makarinig sa iyo."

Totoo naman ang sinabi nito. Kahit nasa kabila lang ang bahay nila ay para siyang hinihila lagi ng higaan ng mga Salcedo.



SAGLIT lang na inilibot ni Ash ang tingin sa paligid bago ipinasya ng umakyat sa may hagdanan. Bago ang lahat sa kanya. Ang buong paligid. Ang hanging nilalanghap. At ang mga taong makakasalamuha sa araw-araw, kahit pa nga magulang at kapatid niya ang mga iyon.

"Magpapahinga ka na ba anak?"

Binalingan niya ang ama na nasa baba ng punong hagdan. "Yes. I'm tired," maikli niyang tugon sa ama.

"May inihandang silid para sa iyo ang Mama mo. Gusto mo bang pasamahan kita sa maid natin?"

Marahan siyang umiling. "Ako na po ang maghahanap." Kahit na mas matagal siyang namalagi sa Japan kaysa sa Pilipinas ay hindi naman niya kinalimutan ang wikang Filipino.

"Okay. Suit yourself."

Nagpatuloy na siyang muli sa pag-akyat. Dahil hindi naman niya alam ang pasikot-sikot sa itaas kaya nanghula na lang siya ng silid na papasukan.

Pagod siya sa ilang oras na biyahe mula Japan, kaya gustong-gusto na niyang ilapat ang likod sa kama at magpahinga na rin.

Nang pihitin niya ang seradura ng pinto, na napag-interesang buksan, ay bumukas naman. Pagka-lock sa pinto ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagpasok. Mukhang guest room ang napasukan niya.

Bahagya pang nagsalubong ang kilay niya ng mapansin ang nakabukol sa may comforter ng kama. Dahan-dahan siyang lumapit doon para malaman kung ano nga ba iyon. Hinawakan niya ang comforter at maingat iyong ibinaba.

Medyo natigilan siya sa nakita.

Ikaw Pa Rin | Published under Precious Hearts RomancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon