04: Bomb

763 23 1
                                    

"What the heck Serena?"

Napairap ako at lumabas sa CR. Pumasok doon si Mayor at binuhat si Kean. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin.

Shucks, ang haggard ko na!

Naging messy na ang aking buhok, nakakagulat like whoops! Nang lumabas na si Mayor ay natatawa siya sa akin. Ini-smiran ko sya dahil tinatawanan nya ako ng walang dahilan.

"Baliktad ang pagkakalagay mo ng diaper Serena."

WHAT?

No way. Lumapit ako kay Kean para obserbahan ang diaper. Kaya pala umiyak kanina eh!

"Eh bakit maayos na?"

"Inayos ko na." sagot nya sa tanong ko.

"Marunong ka? You know, mag-diaper?" Tanong ko.

Tumango sya bilang sagot. Sheez, mayor na yan ah! Mayor na yan, nakakaloka. Marunong siya mag-diaper.

"Daddy!"

Sabay kaming napalingon ni Mayor kay Kean.

"Pool time, Daddy."

Tumango si Mayor at nagpakuha ng swimwear sa isang kasambahay. Maya maya ay sabay silang bumagsak ni Kean sa isang kiddie pool. Agad akong nag-impake ng gamit. Alas- singko naman na. Okay na to, nandito na yung ama nung bata.

Paalis na sana ako ng marinig ko ang tawag ng isang kasambahay.

"Ano po iyon?"

"Maligo ka po Ma'am sabi ni Mayor." Sabi nito at may inabot sa akin. Isang swimwear. One piece.

"Ay paalis naman na po ako. Ibabalik ko nalang po ito kay Mayor." sabi ko.

Naglakad ako papuntang pool at nakita kong ginaguide ni Mayor si Kean pano lumangoy.

"Mayor, sorry pero ito yung damit, hindi ako makakasama sa pool."

Nakuha ko ang atensyon nila. Nilapag ko ang damit sa isang wooden table na may umbrella.

"Come on, Serena. Kean, ayaw ni mommy magswim oh."

Napanganga ako sa sinabi ni Mayor. Napatingin ako kay Kean at nakita ko siyang naka-busangot. Umahon si Mayor sa pool at napansin ko ang hubog ng kanyang katawan. Shucks, si Mayor ang fresh pa rin!

Dire-diretso siya sa aking direksyon at binalot nya ang kanyang kamay sa aking likod.

"Towel."

"Ugh."

Natawa siya sa nasabi ko at narealize kong nasa likod ko pala nakasabit ang towel. Sheez, nakatulala lang ako sa katawan nya kasi eh! Kinuha nya ang towel na nakalagay sa lawn chairs na malapit sa wooden table kung saan ko sinabit ang damit.

"Mommy, come here na po! Sabayan niyo po kami." Sigaw ni Kean.

"Sundin mo yung anak mo." The Mayor said while smirking.

Anak ko huh? Nakakainis si Mayor! Pero ang mas nakakainis ay kung bakit ko kinuha ang damit at pumunta sa restroom na malapit sa pool at nagpalit.

Sheez.

Is this real? Am I going to swim talaga? Wala na eh, nasuot ko na! Lumabas ako sa CR at nakita ko si Mayor na bumalik na ulit sa pool. Alam ko na! Doon lang ako sa gilid, hindi ako aahon.

Naupo ako sa gilid, na na-co-conscious sa aking katawan. Nagpa-practice ulit mag-swimming si Kean sa tulong ng ama nya nang bigla akong hinila ni Mayor papunta sa kiddie pool.

The Mayor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon