07: Fell

705 24 2
                                    

"Madame, ilang araw nga ulit tayo doon?"

Pang-ilang beses na yang tanong ni Margie.

"Dalawa lang, baka buong closet mo dalhin mo."

"Di naman Madame. Ikaw ma'am baka kinikilig ka na kay Mayor ah, inlababo agad ah."

"Yuck! Anong inlababo?"

"Ay hindi mo ba alam ang ibigsabihin ng inlababo, madame?"

"Obviously not."

"Ibig sabihin nun, medyo naiinis, pero hindi galit. Akala ko kasi naiinis ka sa akin Madame."

Galit? Bakit naman ako magagalit? Ahh, kasi paulit ulit siya.

"Oo, inlababo ako kasi paulit ulit ka. I'll hang up na nga! Bye!"

Pinatay ko na ang aking phone at pumunta sa aking mga luggage na dala para i-check kung complete ba iyon.

We are going to Nasugbu, Batangas!

Private Beach Resort sya kaya hindi familiar ang name ng beach. Akriel owns that.

Ding!

Agad akong napalabas and I saw Akriel's friend, Achilles.

"Pick-up po ng gamit Madame."

Hinayaan ko syang kunin ang gamit ko. Nakilala ko lang si Achilles nitong mga araw lang ng nag-stay ako sa aking kwarto.

"Susunod na ako, ten minutes."

He nodded dahil alam kong nasa parking lot ng Mansion ang van na gagamitin namin papuntang beach. Si Achilles din ang magdadrive.

And kinakabahan ako because, Achilles and Margie are enemies!

Baka mamaya magaway sila sa resort o kaya sa van.

Minsan natatawa nalang ako kasi kahit na mababaw na bagay ay pinagtatalunan nilang dalawa.

"Hi Kean!"

"Hi mommy!"

Nakita ko si Kean at ang isang yaya niya sa likod ng van. Kean got a small bagpack para sa staycation.

Walang kaalam alam si Kean sa nangyaring peligro sa buhay niya.

Paano kasi ay may ininject na pampatulog kay Kean nung nangyari ang Mall Bombing at si Margie lang ang natamaan ng bala.

They can't hurt a child from their group.

Iyon ang tumatak sa aking isipan. Hindi kailanman pagtatangkaan ng isang terorista ang buhay ni Kean knowing that Kean is a child from their group.

"Madame, bakit kasama natin si Achilles?"

"Hoy, Margarita, naririnig kita. Akala mo ba gusto kong makasama ka. Hell no! Baka sirain mo ang view ng beach." Kontra agad ni Achilles.

"Hoy Achilles, talagang pinarinig ko sa iyo yun! Ang dami mong dada, bakla ka no?"

"Ano? Sinong bakla!"

"Ikaw malamang."

"Halikan pa kita diyan eh. Mainlababo ka pa."

Inlababo, meaning medyo galit.

Siniko ko si Margie.

"Inlababo na kayo parehas!" sigaw ko.

"No Madame!"

The Mayor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon