EPILOGUE

894 23 0
                                    

"Dad."

"Anak, go save yourself. Nakarating na ang pulis."

Kinalas nya ang tali sa aking katawan. Napatakbo ako palabas nang hindi lumilingon sa aking dinadaanan.

Miranda was shot by my Dad at the lower spine. She can be paralyzed after that.

Tumakbo ako at unti unting naging malinaw ang aking naririnig.

The gunshots, the sirens and the shouts or should I say screams.

Takbo lang, wag kang titigil. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero sinusunod ko na lang ang aking mga instinct.

May narinig akong tumatawa banda sa aking likod kaya ako napatigil.

Crap, I'm trapped. Tumigil ako sa pagtakbo at humarap sa lalaking sumusunod sa akin.

"Stay there. Hindi ka gagalaw kung ayaw mong masaktan si Kean." Napalingon ako sa kanya.

Giordano is holding Kean who is blindfolded, at may nakatutok sa kanyang baril.

"M-mommy? Daddy?"

Napaiyak ako ng marinig ko iyon. He is too young for this, para maranasan ang lahat ng ito.

Wala siyang kamuwang-muwang na sa edad nyang ito ay nasa isa siyang danger zone.

At ito ang tunay kong misyon, ang protektahan si Kean.

"Bitawan mo siya." Sabi ko pero nginitian lang ako ni Giordano. "Bitawan mo ang bata!"

Tumawa lang siya at parang nababaliw. Has he gone mad?

"Gagawin ko ang lahat basta bitawan mo ang bata. Don't let him suffer like this. Please." I beg.

Iyon lang ang aking pinagdarasal, ang kaligtasan naming lahat. Ngunit sa kademonyohan ni Giordano ay malayong makamit ko iyon ng sobrang dali.

"Kung ganoon, bibitawan ko ito sa isang kundisyon." Sabi nya.

Ano na naman? Anong gusto nyang gawin ko? Ang maiwan dito? Buhay ko ang kapalit nito?

"What?"

"Ang gagawin mo lang naman ay—" naputol ang pananalita ni Giordano ng may biglang bumaril sa binti nya ng dalawang beses.

"Don't touch my son."

"A-akriel." Tawag ko sa kanya. I missed him, kahit pa nalaman ko ang katotohanan at ang kanyang sikreto.

Siya pa rin ang Akriel na mahal ko.

Even if it's Akriel or Zeus, kahit anong itawag sa kanya, ay siya pa rin ang palabiro at matatag na taong nakilala ko.

Nawala sa pagkakatayo si Giordano kaya agad kong kinuha ang baril sa kayang kamay.

Nagpumilit siya ngunit nakuha ko na ito. Now, I got one at least. Alam kong anytime ay may pamalit siya sa baril na iyan.

Who knows baka meron pa siyang isang batalyon na tinatago?

Yinakap namin ang isa't isa na para bang antagal na naming nagkita.

"Thank God, you're safe."

Pinunasan nya ang aking mga luha at tinanggal ang pagka-blind fold kay Kean.

"Mommy? Daddy?"

Nakatingin lang sa amin si Kean. Nakangiti ngunit agad naglaho ng makita kaming lumuluha.

The Mayor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon