2

2K 22 3
                                    

LEISHA

  

           "Good Morning Ma'am"

           " Good Morning Madam"

           " Good Morning Mrs. Alfiro"

            Napantig ang tenga ko sa huling narinig, napalingon ako sa huling bumati at ganun nalang ang gulat ko ng makita kung sino ito.

          "Ali! Buti naman at naisipan mong magparamdam!" lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, pagkabitaw ay tinitigan ko siya.

        "Ano ka ba, isang buwan lang naman ako nawala! " sana lahat talaga, parang gusto ko na ring magbakasyon ng isang buwan, I need a rest from all of these.

           Sabay kaming naglalakad habang nagkekwentuhan, papunta kami sa may office ko.

           "Good Morning Madam" ngumiti ako kay Zyrel, my very efficient and effective secretary. Siya lang ata ang secretary na ayaw kong mawala.

          " Good Morning Zy, pakicancel muna ang mga meeting ko ngayong araw since may bwisita ngayon" napatawa naman siya sa sinabi ko.

         " Hoy! Hindi ako bwisita! Parang kanina excited ka nung nakita ako tapos ngayon bwisita na ako! Hmf." nagmumuryot na singit ni Ali, sabay tuloy kaming napatawa ni Zy,close kasi kaming tatlo parang magkakaibigan na.

          "Noted ma'am! Magpapadeliver na rin po ako ng snacks niyo! " tumango nalang ako kay Zy,may mga gagawin pa ata siya kaya hinila ko na si Ali sa loob na deretso namang humilata sa may sofa doon.

         "Hay nako, I'm so exhausted, alam mo bang dumiretso ako dito dahil namiss kitang bruha ka tapos bwisita ang itatawag mo sa akin." nagtatampo na angil niya.

          " Oo na nga, sorry na Ali, sorry na ikaw na ang pinakamagandang bwisita dito kahit na matatambamkan nanaman ako ng trabaho. " natatawang sabi ko.

      
          " So ano na nga, may pamangkin na ba ako ha? " napa ayos naman ako ng upo ng marinig ang sinabi niya, paano nga kung ni minsan ay hindi ako hinawakan o kinibo ng kuya niya,kung maka iwas para akong may nakakahawang sakit. Paano kaya makakabuo diba?

         "Ano ba namang titig yan Ali! Nakakatakot ha! " napayakap ako sa sarili ko para mag biro pero hindi siya tumawa, seryoso pa rin ang titig niya dahil siguro sa pananahimik ko.

          "Hiwalayan mo na kaya si kuya? Mukhang walang patutunguhan yang kasal na iyan, apat na buwan na oh, gago pa rin ang kuya ko, hiwalayan mo na! " seryosong sabi niya na nagpaseryoso na rin sa akin.

          Ilang beses ko na rin bang naisip yan, gusto ko na ayaw ko,ang hirap intindihin ng desisyon ko kasi baka naman mahalin din niya ako diba, kasi ako oo, simula ng iniligtas niya ako minahal ko na siya, kaya nga ako nagtitiis dahil utang ko ang buhay ko sa kanya.

           Magsasalita na sana ako para sumagot sa sinabi niya nang biglang may kumatok sa glass door.

        "Ma'am andito na po yung mga snacks."  pinasok naman ng mga servers yung pagkain habang ako ay hinihintay na makalabas sila , nakakailang ang titig ni Ali sa akin. Kaya ng makalabas sila ay nagsalita na ako.

         " Sa tingin mo ba hindi ko naisip yan? Gusto ko na rin naman, kaso hindi ko pa kaya, masyado kong mahal ang kuya mo para iwan siya, martyr nga siguro ako,  martyr na pala talaga, mapapagod din ako, malapit na. " napa iyak na ako, kasi sa likod ng matapang na aura ko ay isang babaeng gusto ng sumuko at gusto ng magpahinga.
Mas napa iyak pa ako ng yakapin niya ako.

          " Bakit kasi ang tanga tanga ni kuya eh, makakarma talaga yung gagong yun." napatingin naman ako sa kanya at natawa ng makitang parehas na kaming umiiyak ngayon.

          "Ano ba yan! Nag iiyakan tayo! Dapat nag sasaya tayo ngayon hindi nag-iiyakan!"
Parehas na kaming natatawa ngayon, parang mga baliw lang kanina umiiyak tapos ngayon nagtatawanan.

          " Mag-mall nalang tayo tapos mag spa  para marefresh ang ating mga utak." aya niya kaya ganun nga ang naging plano kumain muna kami ng lunch bago nagpunta sa mall na pag mamay ari ng mga Alfiro.

            "Hey, sa tingin mo babagay sa akin ang maikling buhok?" tanong ko kay Ali, nanlaki naman ang mga mata niya.

            "Omg girl! Bet ko yan! Make-over!" hinila na niya ako sa salon tapos siya na ang kumausap doon sa tao doon kung anong gupit ang gagawin sa akin. Surprise daw ang new look ko.

                Kaya nagulat pa ako ng biglang pinutol ang buhok ko ng napakaikli na hanggang batok, akala ko at matatapos na doon pero mukang may isinamang treatment si Ali. Nakatulog ako sa tagal ng ginawa sa buhok ko, ginigising naman ako kapag kailangan ng hugasan ang buhok ko.

         "Ma'am, ma'am tapos na po. " nagising naman ako ng gisingin ako ng nag aayos sa akin, napatingin ako sa oras at ganun nalang ang gulat ko ng makita na ala sais na pala ng gabi, apat na oras yun? .

           Napalingon ako kay Ali at natawa ng makita na natutulog na rin siya sa may sofa doon, ang tagal naman kasi, lumapit ako sa kanya at ginising siya.

           "Ali, Ali! Gising na! " niyugyog ko naman siya at unti unti na rin siyang nagising.

        "Miss, hinihintay ko pa kaibigan ko." natawa naman ako sa sinabi niya hindi ba niya ako nakilala?

         " Gaga ka, si Isha ito! " singhal ko at napakunot noo naman siya at tinitigan ako , maya mayabay biglang nagningning ang mga mata niya at tumili.

       "OMG! ISHA IKAW NGA! You're so beautiful! " napakunot noo naman ako at tinignan ang sarili sa salamin. Totoo nga ang laki ng pinagbago, ang dating hanggang bewang kong buhok ay napakaikli na ngayon, kulay light brown pa na may highlights na blonde color. Ang ganda.

             Pagkatapos mag bayad ay nag dinner muna kami, pagkatapos ay dapat sasama pa siya sa bahay kaso may kailangan pa daw siyang gawin kaya hindi na nakasama.

       Alas-nuebe na ng gabi ng makarating ako sa bahay, medyo kinabahan ako dahil baka hinahanap na ako ni Alec pero sino bang niloloko ko? Hindi ako hahanapin nun pero akala ko lang pala.

     "Bakit ngayon ka lang?" namutla ako sa tono niya, napakalamig ng boses at mababasa mo na galit talaga siya.

       " Ah, gumala lang kami ni Ali sa ALF." tumikhim pa ako dahil kinakabahan talaga ako. Ang tagal niyang nakatitig sa akin na akala ko ay wala na siyang sasabihin kaya dederetso na sana ako sa may taas ng bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang mga braso ko.

       "A-ano ba Alec, nasasaktan ako! " nagpumiglas ako pero mas lalo lang ako nasaktan dahil mas humihigpit ang hawak niya.

       " Talagang masasaktan ka kapag nalaman ko na nagsisinungaling ka! Siguraduhin mong si Aliah ang kasama mo at hindi kung sinong poncio pilato! Tandaan mo kasal ka sa akin kaya umakto kang may asawa! Huwag kang pakaladkarin! "

        Nag init ng sobra ang ulo kaya sinamaan ko siya ng tingin, lumuwang ang hawak niya sa akin dahil siguro sa tingin ko dahil alam ko nagaapoy sa galit ang mga mata ko. Hinawi ko ang braso niya na nakahawak sa akin na sinampal siya.

        " Naririnig mo ba ang sarili mo Alec?!  Sa ating dalawa sino ang hindi umaaktong may asawa?! Sino ang gabi gabing may dinadalang pokpok dito sa bahay?!  Bago mo ako sabihan ng ganyan siguraduhin mo munang malinis ka dahil sa ating dalawa ikaw ang gago dito! " galit na sigaw ko sa kanya bago nagmamadaling umakyat sa kwarto at iniwan siyang gulat doon.


a/n: Omg, ewan ko ba pero sinisipag ako ngayong araw. Naiinis din ako sa sinusulat ko. Patayin ko kaya si Alec? ChOur.

08-10-20

         
        

 

           

  Battered Wife : Alec Alfiro [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon