LEISHA
Nagising ako na napakasakit ang ulo at namumugto ang mga mata. Shit, bakit ko ba ginawa yun kagabi, mas magagalit siya ngayon niyan sa akin! Ang tanga tanga naman Isha!
Pero kasi sumobra naman siya sa mga sinabi niya kaya kasalanan niya rin yun.
Tumayo ako at ginawa na ang aking morning routine pero this time hindi ko siya ipinagluto bahala siya baka mamaya pag pumasok ako sa kwarto niya ay baka bigla na lang niya akong sakalin.
Napatigil ako sa pagkain ng makitang pababa siya ng hagdan,papasok na siguro dahil naka business suit na siya. Dali dali kong niligpit ang pinagkainan ko at nagmamadaling umakyat sa taas.
"Sa susunod na gagabihin ka, magsabi ka. I don't care where you are, para lang alam ko kung anong sasabihin ko sa mga magulang natin kapag hinanap ka, ayokong masabihan na pabayang asawa." natigilan ako sa sinabi niya, deretsong umalis naman na siya pagkatapos sabihin iyon.
He has this reputation na iniingatan niya, hindi kalat sa buong mundo na kasal na siya he's still a bachelor pero sa tingin ko alam na ng mga babae na dinadala niya dito na may asawa siya. Mga kakilala lang dahil apelyido ko pa rin ang ginagamit ko, si Ali lang talaga ang tumatawag sa akin ng "Mrs. Alfiro".
Napa iling nalang ako at dumiretso na sa kwarto para mag ayos, with all of these pain at the end of the day I still have a company to manage, hindi ako pwedeng tumunganga.
Isang Peach colored dress ang napili ko, saktong sakto dahil nakikita ang kagandahan ng katawan ko and of course my favorite dark red lipstick.
Sinigurado kong nakasara ang lahat sa bahay bago umalis, wala kaming katulong kaya ako ang gumagawa.
Dumiretso na ako sa may SSC, I am walking like a lady boss, well I'm their boss. Nginingitian ko nalang yung mga bumabati.
" Zy, what's my schedule for today? " agad kong tanong sa secretary ko na naka upo at may dinudutdot sa may pwesto niya ngayon.
Napalingon naman siya sa akin at nanlaki ang mga mata.
"M-madam! What happened to your hair?! " medyo gulat na sabi niya napatawa naman ako sa reaksyon niya.
"Why? You don't like it? " nakangiting tanong ko sa kanya.
" No madam! It suits you very well! Mas bumata kayo sa new look niyo, mas magugustuhan na kayo ng asawa niyo niyan! " nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya.
Paano magugustuhan, hindi nga ata niya napansin ang bagong look ko, nag away pa nga kami at sa tingin ko imposibleng magka gusto talaga siya sa akin.
Mukhang napansin naman ni Zy ang pagbabago ng reaksyon ko.
" Ah madam yung schedule niyo, Board meeting at nine a.m. to eleven a.m. , Lunch meeting with Mr. Albion Alfiro and you'll be having with your father tonight together with Mr. Alec's family. " nagulat pa ako sa huling binanggit niya, maybe that's the reason why Alec is mad, maybe ny fathet called him last night and I'm not there.
Tinitigan ko din si Zy dahil parang namula siya nung binanggit ang pangalan ni Albi. Hmmm, i smell something fishy.
"Zy do you know Albi? " medyo nagulat pa siya sa tanong ko at mas lalong namula.
"Y-yes Madam. " okay, alam ko na ang gagawin ko.
"Ikaw na ang umattend sa lunch meeting na iyon, may ibibigay lang naman siyang mga proposals from ALF. " napalaki naman ang mga mata niya, kaya bago pa ako matawa ay pumasok na ko sa office ko. Tinawagan ko pa si Albi.
" Isha, what's wrong? May meeting tayo later ah. " bungad niya sa akin ng sagutin ko.
"Hmm, about that, I can't go kaya si Zyrel nalang ang papupuntahin ko." may narinig naman akong parang nalaglag sa kabilang linya.
"R-really?!" gulat na sagot niya and I can sense happiness on his voice.
"Yeah, Kilala mo naman ata siya, take good care her okay? Bye. " Napangisi ako ng pinatay ko ang tawag at sinimulan ang tambak tambak na trabaho ko doon.
Past lunch na ng mapalingon ako sa phone ko ng mag beep ito. Kinuha ko ito at may nakitang message doon.
Alec:
La Cuisine, 6:30 p. m. , Your father's reservation.
Napangiti ako kasi nagmessage siya, ang babaw ng kaligayahan ko, sa tuwing may family dinner lang niya ako tinetext, kahit na formal message masaya na ako.
Well I need to look presentable, Excited na rin ako since makikita ko na uli si daddy,minsan nalang kasi kami magkita one or twice a month since busy nga ako sa company. Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko at ng mag 4:30 ay tumayo na ako para mag ayos.
Buti nalang may mga damit ako dito sa office, I'm now wearing a white body fitted dress that hugs my body very well,nagsuot din ako ng gold necklace ang bangle para magmukhang elegante.
Almost 6:30 na ng makarating ako sa La Cuisine , nakita ko na rin si Alec doon na naghihintay,pagkababa ay lumapit agad ako sa kanya.
It's my favorite time of the month kasi every time na may family dinner kami ay nagiging mabait at nag aastang mag asawa talaga kami.
Pagkalapit ko sa kanya ay ngumiti ako ng alanganin.
"Don't you dare make something stupid tonight. " banta niya sa akin bago nagsimulang maglakad, kinausap niya rin ang receptionist at ako nakasunod lang, maya maya ng matanaw na ang lamesa nila daddy ay huminto siya at hinawakan ako sa bewang.
Ngumiti nalang ako, kahit scripted ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha, masaya na ako sa ganto sa pagpapanggap. Lumapit na kami sa table nila daddy, andon si Tito Lex, Ali, and Albi. Wala na ang mommy nila, dahil namatay ito sa heart attack and the reason? I don't know.
"Daddy! I missed you so much! " patakbo akong lumapit kay daddy at niyakap siya.
"I missed you too sweetie, so may apo na ba ako? " namutla naman ako sa tanong niya. Napalingon ako kay Alec ng bigla siyang lumapit .
" We don't have any plans yet sir, we still want to enjoy our marriage life, just the two of us. " tsk, as if you have plans, mag kaka anak ka siguro with another woman, pero syempre di ko sinabi yun, kiming ngumiti nalang ako at humarap kila tito at binati sila.
"Good day girl" bati ni Ali sa akin na nagpatawa sa akin, alam kasi niya na favorite day ko ito.
Napalingon naman ako ngayon kay Albi at bumeso sa kanya, hmmm ano kayang nangyari sa meeting?
"So kamusta ang meeting? " napangiti naman siya sa tanong ko.
" It's really good, specially I'm with your very beautiful and hot secretary. " tumaas taas pa ang kilay niya at mas lumaki ang ngiti. Hinampas ko nga at sabay naman kaming natawa, napatigil lang ito ng lumapit si Alec at hinila na ako paupo.
"Stop flirting with my brother, will you? " wtf?"I am not! " pagalit na bulong ko sa kanya.
" Really huh? " nakangising tanong niya. Pinaghila niya ako ng upuan. Siya na rin ang nag order para sa akin, all through the night ay inalalayan niya ako and that's what matter the most, alam kong someday magiging maayos din kami. Hindi na puro pretend nalang.
a/n: Oraaayyttt! I'm in the mood talaga HAHA, pagkagising ko nagsulat agad ako,yeyyy.
08-11-20
BINABASA MO ANG
Battered Wife : Alec Alfiro [COMPLETED]
Teen Fiction" If letting you go is the only way for us to be safe and for you to be happy. I'm letting you go Alec. "