LEISHA
That night went well,parang may naalis na tinik sa puso ko. I can breathe well now without thinking about my son and Alec.
My son really loves his father, I can see the love and excitement in his eyes whenever they are together.
Mabuti nalang at tinanggap niya ang anak namin dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko, Kyro needs a father to guide him, it's not that I can't guide him but we all need a father in our lives, I know that because I'm daddy's girl. "
"Good Morning mommy! " masiglang bati ng anak ko nang maabutan ko sila sa may kusinang napakagulo, kalat kalat ang itlog na basa, sabog din ang harina sa may counter, what are they doing?!
"Good Morning, what a mess, what are you two doing? " nakakunot noong tanong ko sa kanila, nakaka init ng ulo ang kalat, umagang umaga. Nanahimik ang anak ko kaya lumingon ako kay Alec para humingi ng sagot.
"Uhh, we're planning to make some pancakes but we don't know how. " medyo nahihiyang sabi niya.
"Yes mommy! The eggs won't go inside the bowl whenever we crack it!It always fall in the sink!" sumbong ng anak ko na para bang kasalanan pa ng itlog na nalaglag ito sa sink,ngayon ay nakanguso na. Nakakatawa naman ang dalawang ito.
"Let me do it, maupo na kayong dalawa,magluluto kayo hindi niyo naman pala alam ang gagawin niyo. " naiilang na natatawa kong saad, na ikinanguso pa lalo ni Kyro. Why is he so adorable.
Naupo naman na sila ngayon sa kabilang side ng counter,pinapanood akong gumalaw. It feels so awkward being watched while cooking. Inayos ko na ang mga kalat nila at kumuha ng panibagong itlog, pwede pa namang magamit yung pancake flour kaya hindi ko na pinalitan.
Manghang mangha naman na nanonood ang dalawa, isisi ba naman kasi sa itlog kung bakit hindi nila ito ma i shoot sa bowl.
"Yeyy! Pancakes! Pancakes! " excited sigaw ni Kyro ng matapos akong magluto at inilapag ang pancakes sa harap nila. Kumuha na rin ako ng plato at kubyertos, may inumin naman na counter.
"Thank you. " napatingin ako sa gawi ni Alec ng magsalita siya.
"For what? " kinakabahang tanong ko, he have this powers to make me this nervous.
" For cooking, sorry for the mess earlier. " napatango nalang ako sa sinabi niya, bahagyang gulat dahil sa mga sinabi niya.
Tahimik naman kaming kumakain doon, tinignan ko ang mag ama na siyang siya sa kinakain nila. Magka mukha talaga sila, they're both wearing a white shirt, with their bed hair. Damit ni Alec ang suot namin ngayon dahil wala kaming damit dito since biglaan ang lahat kagabi. Napatikhim ako ng may mapagtanto na ikinalingon sa akin ni Alec.
"Uhm, we need to go home, wala kaming gamit dito." nag aalinlangang sabi ko.
"About that, I want you to live here with me, this is our house Leisha, and I want to be with the two of you. " seryosong sagot niya. Hihindi na sana ako ng magsalita ang anak ko.
"Oo nga po mommy, I want it here with daddy. " nakangiting singit ng anak ko na ikinalubog ng puso ko, how can I say no?Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, they both have this hopeful eyes.
"I-i'll think about it, I'll ask Sean about it first. " napaiwas ako ng tingin sa dalawa.
"Oh yes! Tito daddy! "
Naging tahimik ang umagahan na iyon, naging seryoso na rin si Alec after that talk. I really need to ask Sean about this.
After that breakfast, we already went home, medyo nahirapan pa ako dahil ayaw sumama paalis ni Kyro.
BINABASA MO ANG
Battered Wife : Alec Alfiro [COMPLETED]
Teen Fiction" If letting you go is the only way for us to be safe and for you to be happy. I'm letting you go Alec. "