08 | nasaan ka na?

1 0 0
                                    


Sa kaliwa, sa kanan,

mapatingin man sa kung saan,

Mga mga ko'y tila palaging may hinahanap—

Isang presensyang aking nakasanayan na.

Mapatimog man o kanluran,

Ang mga lugar na aking mapuntahan,

Ikaw pa rin ang laman ng aking isipan;

Hinihiling na sana'y narito ka sa aking kanlungan.

Matagal na kitang nahanap,

Ngunit ngayo'y hindi na kita mahagilap.

Mahal, nasaan ka na ba?

Ako ba ay nalimutan mo na?

At kung sakali man na ako'y mawala sa kakahanap sa'yo, maaari bang ako naman ang hanapin mo?

Sundan mo ang bakas nang iwan mo ako

sa mundong binuo ng ikaw at ako.

Bawat Piyesa [l.s.c.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon