ang kulisap
hindi dito nagtatapos
ang kwento
ng isang munting kulisap
na may pangarap;
isang kulisap
na minsang tinupok
ng nagngangalit na apoy
ang mga pak-pak
darating ang araw at panahon
ikaw din ay makakaahon
maligayang lilipad
kasama ang mga dahon
puno ng pag-asa
sa bawat pagliyad
at balang araw
ikaw ay titingalain
katulad ng araw,
buwan at mga bituin.
L

BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa [l.s.c.]
Poésie"Ang bawat piyesa na bumubuo sa'yo, Bawat piyesa nawa'y mapasa akin habang buhay..." - m u n i m u n i ♡