Magsusulat ako
Ngunit hindi na para sa'yo
Hindi na para sa taong
Inakala kong mananatili
Sa aking tabiHindi na ako magsusulat ng tula
Na ikaw ang sinisigaw ng bawat letra,
Na ikaw ang nilalaman ng bawat linya,
Na ikaw ang tanging nais na paksaSa bawat piyesang isinusulat ko
Malayang tula ang paborito ko
At katulad ng malayang tula na ito,
Mahal, ikaw ay malaya naMalaya ka nang makapiling siya
Malaya ka na sa'yong pagkakakulong
Sa bawat piyesang isinulat ko para sa'yo
Na hindi mo nagawang pansinin
Dahil nasa kanya ang iyong pagtingin at damdamin.L
![](https://img.wattpad.com/cover/220647474-288-k88649.jpg)
BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa [l.s.c.]
Poetry"Ang bawat piyesa na bumubuo sa'yo, Bawat piyesa nawa'y mapasa akin habang buhay..." - m u n i m u n i ♡