Ang sabi nila, kapag galit ka, o nag-aalangan kang gawin ang isang bagay, 'wag kang gagawa ng isang desisyon na maaari mong pagsisihan sa huli.
Kulmalma ka.
Huminga ng malalim hanggang sa kahit tatlong beses. Ipikit mo ang iyong mata at magsimulang magbilang ng isa hanggang sampu.
Eto na. Magsisimula na sa:
Isa.
Isang beses mo lang akong tinitigan, pakiramdam ko nahuhulog na ako sa'yo.
Isang beses mo ako kinausap at tuluyan na akong nawala sa wisyo.
Ikaw ang naunang kumausap sakin. At ako? Heto, mahigit isang beses nang naiinis sa'yo.
Ngunit hindi ko mabigyan ng dahilan kung bakit kahit na isa lang.
Binigyan mo ako ng isang simpleng tanong ngunit napakakomplikadong suriin.
Napakakomplikadong pakinggan.
Napakakomplikadong pasukin.
Pero may isang dahilan ako.
Gusto kita.
Kaya isinantabi ko ang aking pag-aalinlangan. Ang ka-isa-isa na aking kinakatakutan.
Mahulog.
Kung kaya, binigyan kita ng isang simpleng sagot. Oo. 'Yon ang unang beses kong nagsabi ng "oo" .
Dalawa.
Dalawa beses mong hinawakan ang mga kamay ko.
At sa pangalawang beses, doon ko naramdaman ang pakiramdam kung paano magbaliktad ng mundo ko sa loob-looban. Doon ko naramdaman kung papaano magkaroon ng paru-paro sa aking tiyan.
Para akong kinikiliti sa hindi malamang dahilan.
Nanghihina ako.
Hindi lang ang aking puso na ilang sandali nalang ay sasabog na.
Hindi lang din ang utak ko na punong puno ng ikaw.
Tatlo.
Tatlong beses mo akong ninakawan ng halik noong minsang walang nakatingin sa atin.
At tatlong beses ko ring sinabi sa isip ko ang mga salitang "mahal kita" habang tayo'y nakatitig sa isa't isa.
Apat.
Apat na beses kitang niyakap.
Sa paglalakad pag-uwi.
Sa pagtulog sa likod ng sasakyan.
Sa mismong araw ng kaarawan mo.
At sa kung kailan ko tuluyang sinabi ang apat na salitang bubuo sayo."Mahal na mahal kita."
At sa huling pagkakataon na nakasama kita. 'Yon ang pinakahuling beses na naramdaman ko na ako sa'yo ay may halaga pa.
Lima.
Higit limang beses akong umiyak ng dahil sa'yo.
Sa harap mo habang may sakit ka.
Sa harap ng magulang mo na pinipilit akong manatili para sa'yo.
Sa harap ng magulang ko na sinasabing tumigil na ako.
At ang iba pa ay palihim na.Tuwing gabi,
palihim akong umiiyak,
at naiiyak.'Yon ang masakit na parte.
Kailangan kita ngunit wala ka.
Anim.
Mahigit anim na beses kang nangako sakin. --- Magmahal.
Mag-alaga
Manatili.
Magpoprotekta.
Maging totoo.
Maging tapat.
Magiging sandalan kahit kailan.--- Ngunit pinili mo parin akong iwan.
Mahal, hindi pa ba ako sapat na dahilan? Upang ikaw ay huwag nang lumisan.
Pito.
Pitong linggo ang lumipas.
Walang ikaw sa aking tabi para patahanin ako sa aking paghikbi sa gitna ng gabing nakakabingi.
Nagsimula akong mawala.
Mawala sa mundo na sabay nating ginawa.Ilang beses akong nadapa pero pinilit ko paring tumayo.
Nagpatuloy maglakad.
Nagpatuloy maglakbay.
Kahit na ika'y wala at may kasama nang iba.
Walo.
Ikaw ang unang nagsabi ng mga salitang iyon na binubuo ng walong letra.
"Mahal kita."
Ang pinakatotoo sa lahat at iba.
At ang pinanghawakan kong salita't pangako mo.
Pinagkatiwalaan.
Pero walong araw rin ang lumipas,
ika'y nagbago.
Bigla nalang naglaho.
Biglang nanlamig ang nagbabaga.
Akala ko pang matagalan ka; pero tulad ka rin pala ng mga kahoy na pangningas, mabilis matupok at magsawa sa init.
Siyam.
Ika-siyam na buwan sa taong ito,
muli tayong nagkita.
Ni hindi mo ako matignan sa mata.
Ni hindi mo ako mangitian.
Ni hindi mahawakan o makamayan.Isang tingin sa mata.
Isang ngiti sa labi.
Isang kabog sa aking dibdib.Siyam na segundo,
napatigil ang mundo.Napaisip ako kung kakausapin ba kita o hindi. Pero nakita kong masaya ka na sa piling ng iba.
Kaya hinayaan na kita.
Sampo.
Wala na akong ibang nagawa,
kaya tinahak ko na ang pangsampong hakbang,papalayo sa'yo.
Dinahan-dahan ko ang paglalakad papalayo. Iniisip ko na baka hahabol ka pa at hihilain ako pabalik. Para manatili.
Pero hindi.
Kaya nagpasya akong tuluyan kang lisan.
Dahil tama na ang sampong beses na pag-iyak kahit na higit sampong beses mo akong pinangiti at pinatawa.Tama na ang sampong beses na pagpapatawad
kahit na higit sampong beses mo pang sinabi ang 'mahal na mahal kita.'Mahal, tama na.
Tama na ang sampong beses na paghabol sa'yo
sa tuwing ako'y madadaanan mo.
Hindi mo man lang pansin.
Hindi mo man lang ako kita.Kaya mahal, tama na.
Tama na ang sampong beses na pagpapakatanga't pagpapaasa.
Dahil ngayon, ako'y titigil na...
Kung saan ka man ngayon, sana masaya ka na dahil pinapalaya na kita.
- L

BINABASA MO ANG
Bawat Piyesa [l.s.c.]
Poesía"Ang bawat piyesa na bumubuo sa'yo, Bawat piyesa nawa'y mapasa akin habang buhay..." - m u n i m u n i ♡