09 | abuso

1 0 0
                                    



Ang sabi mo ay mahal mo ako,

ngunit bakit mo ako inaabuso?

inabuso mo ako

sa paraang kailanma'y hindi ko ginusto

at kahit humingi ka pa ng permiso

hindi ko sasabihin ang 'oo'

inabuso mo ako

sa iyong mapanuyang aksyon

wala naman tayong naging relasyon

at kahit na meron, hindi ko pa rin sasabihin ang 'oo'

inabuso mo ako

sa paraan ng pagtitig mo

na para bang ako'y iyong hinuhubaran

sa iyong napakaduming isipan

inabuso mo ako

kahit ayaw ko

kahit hindi ko sinabi ang 'oo'

kahit ikaw pa ay gwapo

Ano ba ang iyong tingin sa akin?

bata ka ba para ako'y ituring na laruan?

Ang sabi mo, ako'y isang prinsesa sa kaharian,

ngunit bakit mo ako ginawang parausan?

Matapos ng lahat ay itatapon mo na lang

ako pala'y gaganonin mo lang—

itatapon ang lahat

animo'y ako ay isang kalat

Bawat Piyesa [l.s.c.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon