Nagising na lang ako na may tumatapik sa mukha ko, hindi ko pa madilat ang mga mata ko at parang hapong-hapo pa ako. Hindi ako nakatulog kagabi kahit anong pilit ko, namamahay yata ako kaya hirap ako makatulog kagabi.
"Alex, wake up." dinilat ko ang mga mata ko at bumungad ang pagmumukha ni Trevor sa akin.
Naitulak ko tuloy siya dahil sa gulat ko. Ang lapit naman kasi niya, buti at hindi ko siya nasapak at nakatungtog lang siya sa bakal para masilip ako. Bumaba na siya at inaantay na niya ako bumaba mula rito sa taas.
"Kanina pa kita ginigising, himbing na himbing ka pa sa pagtulog mo." he turns his back to me.
Kinusot ko ang mga mata ko at sinuot ang salamin ko, inayos ko na muna ang pinaghigaan ko bago bumaba mula sa taas, pumasok ako ng cr at don na naghilamos. Maaga pa pala, alas-otso pa lang ng umaga akala ko naman magta-tanghali na.
"Kumain ka muna." alok niya.
He is now sitting infront of the table, may mga nakahain na mga pagkain don. I told myself last night that I will leave early today but what now? Late na ako nagising
"No thanks, I'm not hungry." I looked at my bag ko and planning to leave the room kung hindi lang traydor ang tyan ko at ngayon pa talaga tumunog kung kailan balak ko nang umalis.
"Nagluto ako ng breakfast, kumain ka na rito." pilit niya.
I don't have a choice, umupo ako sa harapan niya. Marami na naman siyang hinandang pagkain ngayon, ako ang nahihiya dahil baka nauubos na stocks nito dahil nagluto siya ng marami dahil sa akin.
"Ako na." nilalagyan niya na naman ng pagkain ang plato kaya kinuha ko na sa kaniya ang kutsara para ako na ang gumawa.
"May itlog diyan, boiled, fried or do you want my egg instead?" he grins.
Kunot-noo ko siyang tinignan, kakain na lang puro pa kagaguhan. "Joke lang." he added.
Napailing na lang ako. Puro pang-agahan nga ang mga nakalatag sa hapag ngayon, pupwede pang itabi at ulamin kapag may natira para hindi aksayado sa pagkain. Nag-umpisa na rin akong kumain.
"Ayan lang naluto ko, sabihin mo lang kung kulang para makapag-luto pa ako."
Mukha pa bang kulang 'to sa amin? Ang dami na nga nito, sobra pa sa aming dalawa. Pwede pa kami magtawag ng ibang tao para maubos lang ang mga 'to.
"Okay na 'yan, marami na nga at hindi lang 'yan mauubos. Ang dami mo na ngang niluto." nagpatuloy ako sa pagkain ko at gayondin siya.
Nauna ako sa kaniya natapos and I represent myself na ako na maghuhugas ng pinagkainan namin lalo't siya na nga ang nagluto at kagabi siya rin nagluto at naghugas ng pinggan, doble naman yata sa kapal ang pagmumukha ko para 'di ko siya tulungan sa simpleng bagay lang.
"Ako na bahala, bisita kita. Maupo ka na lang dyan." he commanded.
Pinanood ko na lang siya na nagliligpit ng mga pinagkainan at nagsimula na rin siyang maghugas, I opened my messenger now at himala tahimik ang group chat namin ngayon? Uuwi na pala ako bukas naalala ko, next week na rin pala ang performance namin at kailangan ko na rin siya makausap tungkol don.
Tumayo ako at lumipat ng pwesto sa study table niya, malapit doon kung nasaan ang gitara niya kaya kinuha ko at tinignan ko lang habang nasa hita ko. The last time I used a guitar when I was in my junior high years, hindi talaga ako natuto o dahil hindi lang talaga ako desido matuto.
I tried to strum first and tried to play the basic chords, nakuha ko rin naman at medyo hindi lang maganda ang tunog pero sigurado naman ako na tama ang ginagawa ko. I tried once again at nagulat ako na pinapanood na ako ni Trevor, ibabalik ko na sana nang magsalita pa siya.
BINABASA MO ANG
Since we were 18
Teen FictionAlexandro De Verlejo's life is perfect. He has a loving parents, supportive friends and a loving girlfriend. Kaya ginagawa niya ang lahat to please his parents especially his Mom. Sa kabila ng hindi pagtanggap sa kaniyang girlfriend mas nanaig pa ri...