GENRE: GENERAL FICTION (R+18)
AUTHOR: Dave Miranda(NOTICE:)
This is a work of fiction. Names,characters, business, places and events are either a product of writer's broad imagination or used in fictitious manners.
Any resemblance to actual events, locales, person,living or dead is purely coincidental.Contain matured themes, Typo graphical errors, grammatical errors, strong language, graphic sex that are intended for matured readers only. Dont expect too much from this story. The writer is unacquainted with writing. Kindly bear with me.
READ AT YOUR OWN RISK.
PROLOGUE:
Mabagal ang andar ng sinasakyan kong bus patungong bayan. Naaaliw ako sa tanawin sa labas. Ang naglalakihang bundok at mga naglalawakang bukirin ang talaga namang nakaagaw ng atensyon ko. Hindi ko napigilang sariwain ang simple naming pamumuhay noon dito.
Bahagya kong inipit ang buhok ng liparin ito ng hangin. Kumalat ito sa aking mukha pero mabilis ko itong nahuli.
Nagtatrabaho ako sa Manila sa isang kilalang fast food chain doon. Nang mabalitaan ko nitong mga nakaraang linggo na wala na si papa ay hindi ako nagdalawang isip na umuwi ng probinsya. Wala ng magbabantay ng bahay namin doon kaya mas minabuti kong dito na ipagpatuloy ang buhay.
Maaga akong naulila sa ina. Si papa ay nagkaroon ng sakit. Ilang taong gamutan ang kinailangan. Nag iisang anak lang ako. At dahil walang ibang maaring magtrabaho sa amin ay mas minabuti kong lumuwas ng Maynila. Sinubukan ko din namang magtrabaho dito sa probinsya. Pero sobrang liit ng sweldo. Kulang na kulang para sa pang araw araw na gastusin at pang gamot ni papa. Nagdesisyon akong lumuwas at magbakasali sa Maynila. Noong una ay namusakan akong kasambahay. Pero masyadong masasama ang ugali ng amo ko kaya nilayasan ko. Kalaunan ay napasok ako sa isang fast food chain. Mahirap noong una pero hindi ko na iyon iniisip. Mas importante sa akin ang pera para sa amin ni papa.
Iniwan ko dito si papa kasama ang kapatid nitong si Aunti Laudine. Habang ako ang nagtatrabaho sa malayo.
Natutok ang paningin ko sa labas. Ang nag aagaw na kulay ng kahel at asul na langit ay maka agaw pansin. Napangiti ako ng umihip ang malamig na hangin. Namiss ko ang lugar kung saan ako lumaki.
"Malapit na tayo sa bayan!"sigaw noong lalaking konduktor. Napatingin ako sa gawi nya. Hindi sinasadyang mahagip ng mata ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Siksikan sa loob ng bus at may iilang nakatayo na sa daanan. Isa sya doon.
Noong una ay inakala kong napatingin lang din sya sa akin. Pero masyadong matagal ang pagkakatitig nyang iyon. Tila hindi na sinadya dahil intensyon na nya talagang tumitig sa akin. Wala sa sarili akong napalunok.
Isang beses akong nag iwas ng tingin. Muli kong ibinalik ang mga mata sa labas at nagkunwaring inaabala ang sarili sa tanawin.
Maya maya ay pasimple akong nagnakaw ulit ng tingin. Muntikan na akong mapatalon ng makitang nakatitig pa din ito sa akin.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nag iwas ng tingin at nanatiling nakatitig din sa kanya. Gusto ko syang tanungin kung anong problema nya.
Pasimple kong binalingan ang mga pasaherong nandoon. Napansin ko lang na may mga maleta sa harapan nya. Dalawa iyon at may isang malaking bag pa. Kakaiba din ang itsura nya kumpara sa iba pang mga taong nandoon. He look so decent. Hes wearing a plain black shirt paired with faded jeans that really hugs to his masculine body. Hes also wearing a branded shoes.
Nike yung brand ng sapatos. Hindi ako pwedeng magkamali. Mukha syang hindi taga rito. Mukha syang taga syudad.
Pagkatapos kong usisain ang kabuuan nya ay muli kong ibinalik ang mga mata ko sa mukha nya.
YOU ARE READING
The Burden Beast
General FictionGenres : General Fiction R+18 , Drama , Romance & Action.