(Chapter 12)
'LARO'
Hindi na muli kaming nagpansinan ni Eren pagkatapos nun. Si aunti Laudine ay dumeretso sa loob ng bahay habang ako naman ay sumunod sa kanya.
"Anong handa nyo bukod sa sunog na manok, Mari?"tanong ni Aunti habang inilalapag ang dalang lagayan. Agad ko iyong sinilip at nakita doon ang ibat ibang klaseng kakanin.
"Pansit lang po at inihaw."
"Nagdala ako ng mga kakanin. Diba sinabi mong nagustuhan ng asawa mo ang dala kong bibingka? Ayan at nagdala ulit ako."nakangiti nyang sabi.
"Wow... salamat aunti."ngiting ngiti ko ding sabi."Kamusta na nga po pala kayo sa inyo?"
"Ayos naman, dibale't pumasyal kayo sa amin minsan hane?"
"T-titignan po namin..."
Bahagyang natigil si Aunti sa ginagawa bago ibinigay sa akin ang buong atensyon. Nag iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pagsasalin ng mga dala nyang kakanin.
"B-bakit, Mari. Ano bang plano nyo ng asawa mo?"seryoso na ngayon ang mukha ni aunti at hindi na iyon makikitaan ng kahit kaunting pagbibiro."Babalik naba kayo sa Manila?"
"P-po?"kagat labi akong huminga ng malalim.
"Ano kakong plano nyo ni Eren. Mag iisang buwan na din kayo rito ah?..."nagpatuloy sya sa ginagawa."Ilang taon na ba kayong kasal at tila hindi pa kayo nagkaka anak?"
Wala sa oras akong nasamid ng sabihin iyon ni aunti. Napatingin sya sa akin at agad akong dinaluhan.
"Ayos kalang?"bahagya nyang hinaplos ang likod ko. Natataranta syang kumuha ng tubig bago iyon iniabot sa akin."Jusmiyo kang bata ka."
"S-salamat po..."
Sinadya kong bagalan ang pag inom ng tubig para hindi na muling balikan pa ni Aunti ang sinabi kanina. Muntikan pa akong makapagmura kanina kung hindi lang ako nasamid.
Sa huli ay nagdesisyon din umuwi si aunti matapos maihatid ang mga kakanin. Binigyan ko din sya ng lutong pansit at iilang hiwa ng karne.
Syempre yung hindi sunog.
Tapos ng mag ihaw si Eren at kasalukuyan na ngayong naliligo. Kakatapos ko lang maligo kanina. Isang simpleng puting bestida lang ang suot ko.
Sa labas ay maririnig na agad ang samu't saring ingay dahil sa parada. Naglakad ako palabas at pinanood iyon mula sa hamba ng pintuan. Natanaw ko ang iilang kabayo at kalabaw na may sakay na tig iisang tao.
Nagsigawan ang mga bata dahil sa pagkamangha. Maging ang matatanda ay nag iingay na din.
Maghahapon ng magsimula ang mga palaro. Naabutan ko si Eren na nakaupo sa sala habang hawak ang kanyang phone.
Ang dalawang siko ay nakapatong sa kanyang mga hita habang hawak ang phone sa pagitan ng kanyang mga kamay. Bahagya syang nakayuko dahilan para hindi nya ako kaagad mapansin.
Nasa bandang likuran nya ako ng mag angat sya ng tingin. Hindi pa din nya ako nakikita. Nang buksan nya ang phone ay tumambad ang litrato ng tatlong tao. Dalawang babae at isang lalaki.
Bahagya pa akong lumapit para makita iyong mabuti. Doon ko nakumpirmang sya pala ang lalaking nasa larawan. At ang dalawang babae marahil ang kanyang kapatid. Matunog syang bumuntong hininga bago pinakatitigan ang larawan. Sa sunod na larawan ay mukhang larawan na nilang pamilya dahil marami na ang nandoon.
Siguro namimiss na talaga nya ang pamilya nya.
"Mari!"agad akong napaatras ng marinig ang pagtawag na iyon sa akin mula sa labas. Napatingin din sa gawi ko si Eren dahilan para magtama ang mga mata namin. Nagsalubong agad ang kilay nya habang ako naman ay bahagya pang nakaawang ang labi."Mari!"
YOU ARE READING
The Burden Beast
General FictionGenres : General Fiction R+18 , Drama , Romance & Action.