(Chapter 26)
'ADMIT'
Pagkatapos ng madamdaming pag uusap ay inihatid ako ni Eren sa kwarto. Tulala ako at hindi nagawang makapagsalita. Buong gabi akong umiyak ng umiyak habang tinatanong kung tama ba ang naging desisyon ko.
Wala sa katwiran. At tila kahit saan ko hanapin ang tama doon ay lagi lang akong nauuwi sa pagiging makasarili sa huli.
Naiiyak akong isipin na kayang iwan ni Eren ang pamilya para sa akin? Sa ganitong klaseng buhay?.
Kung ako ang nasa sitwasyon nya ay baka mabaliw na ako. Kung ako ang tatanungin nya ay baka nagdalawang isip ako. Pero sya, ni hindi sya nag alinlangang sabihing hindi sya aalis. Ayoko mang paniwalaan pero ang sinseridad sa kanyang mga mata ang nagsasabing walang makakapagpabago sa desisyon nya.
Halos tirik na ang araw ng magising ako kinabukasan. Nakatulugan ko na pala ang pag iyak kagabi. Ang mga mata ko ay bahagyang namumugto bagaman hindi iyon masyadong halata. Gusto ko pa sanang manatili sa kama at matulog magdamag. Pero imbis na sundin ang isip ay mas minabuti kong bumangon at saglit na maligo.
Nagsuot ako ng komportableng damit bago nagdesisyong lumabas ng kwarto kesa magkulong doon.
Wala na si Eren sa couch na madalas nyang tulugan. Nakarinig ako ng iilang ingay sa kusina. Nang silipin ko ang direksyon nun ay nakita ko si Eren na mukhang abala sa pagluluto ng almusal. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang tinatanaw sya sa hindi kalayuan.
Sana lang tama ang naging desisyon mo. Eren.
Namalayan ko nalang ang sariling naglalakad palapit sa kusina. Nang mapansin nya ako ay mabilis nyang itinigil ang ginagawa. Inosente nyang binalingan ang kabuuan ko.
Hindi ko mapigilang mapalunok kapag tumatama ang paningin nya sa akin. Nag iwas ako ng tingin.
"Ang aga mong gumising." matunog syang humalakhak bago nagpatuloy sa ginagawa. Ngumuso ako bago bumuga ng malaki.
"P-pasensya na..."
"Hmm, ayos lang."he nodded. Inayos nya ang hapag at hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood sya."Kain na tayo."
Tumango ako saka humugot ng bakanteng upuan. Pigil na pigil ang ngiti ko habang pinapanood syang lagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko. Pagtapos ay nilagyan nya din ang sa kanya.
"Salamat."
Nagsimula kaming kumain ng tahimik hanggang sa magbukas sya ng pag uusapan.
"Magtatrabaho ka ngayon?"tanong nya habang abala sa pagkain.
"Hmm."tumango lang ako habang tipid na tipid sa bawat galaw."Ikaw?"
Nagkatinginan kaming dalawa. Natigil ang pagnguya nya bago nagbaba ng tingin.
"Ayoko na munang magpunta kila Mang Marion."mahina nyang sabi habang inaabala ang sarili sa pagkain.
Nagsalubong agad ang kilay ko dahil dun. Saka lang rumehistro sa akin yung nangyari kahapon. Nagkainitan nga pala sila ni Macoy doon. Sinuntok nya ang binata at sya pa ngayon ang mukhang mas galit.
"Bakit hindi?"kaswal kong tanong pero hindi nya ako sinagot."Magpunta ka kila Mang Marion at humingi ka ng despensa."
"What?"he asked firmly.
Nag angat ako ng tingin sa kanya bago sya pinagtaasan ng kilay. Bigla naman syang tumiklop ng makita ang seryoso kong ekspresyon.
"Humingi ka ng despensa kay Macoy at sa pamilya nya."
"Why would i?"he asked.
"Dahil mali ang ginawa mo, Eren. Hindi mo dapat sya sinuntok."
"But he was trying to..."sandali syang natigilan at hindi nagawang dugtungan ang sasabihin. Nagkunot noo ako.
YOU ARE READING
The Burden Beast
General FictionGenres : General Fiction R+18 , Drama , Romance & Action.