The Burden Beast

190 3 0
                                    

(Chapter 3)

'PARENTS'

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nadatnan ko si Eren na nakabaluktot at pinagkakasya ang sarili sa maliit at luma naming couch sa may sala.

Doon sya natulog kagabi. Binigyan ko lang sya ng iilang unan at isang kumot. May electricfan din naman doon. Pero hindi ata nya binuksan dahil malamig naman dito tuwing gabi. Hindi na kailangan ng electricfan.

Mabilis akong naligo tapos ay lumabas na ng kwarto. Nandoon pa din si Eren at tulog na tulog bagaman hindi komportable.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa kanya. Tinitigan ko ang mukha nya habang natutulog. Salubong ang kilay at halatang hindi komportable sa posisyon. Gusto kong matawa dahil mukha syang nakasimangot habang nakapikit.

Nang isang beses syang gumalaw ay agad akong napaatras. Nang makabawi ay agad akong umalis sa harap nya at naglakad papunta sa kusina. Uminom ako ng tubig para mapawi ang biglang pagkauhaw.

I leaned my hands on the table. My breath came faster. Hindi ko alam kung bakit.

Itinali ko ang buhok bago muling sinilip ang direksyon ng kusina.

"Ano kayang aalmusalin namin?"I mentally asked myself. Kinuha ko ang pitaka ko saka tinignan ang laman nun.

May singkwenta pesos pa naman. Bukas ay maghahanap na ako ng pwedeng pagkakitaan dito. Mamatay ako kung tutunganga lang ako dito kasama ang pabigat na lalaking yun.

Iniwan ko si Eren doon at lumabas ng bahay. Natanaw ko ang iilang kapitbahay na nagtatrabaho na sa bukid. Masisipag ang mga tao dito. Hindi gaya ng taga syudad na lalaking yun. Tila hari kung matulog. Tsk.

Napagdesisyunan kong maglakad para bumili ng pandesal. Yun nalang ang aalmusalin namin dahil yun nalang ang kasya sa pera ko. Bahala sya kung hindi sya kumain nun.

"Mari."Natigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Isa sya sa mga kapitbahay namin.

"Manang Selia."nakangiting bati ko.

"Nakauwi kana pala? Kailan pa?"

"Kahapon pa, ho."sagot ko.

"Siya nga pala... nakikiramay kami sa tatay mo."mababanaag ang sinseridad sa kanyang boses.

"Salamat po."mapait akong ngumiti.

Sa isang iglap tila naging sariwa ulit ang lahat sa akin. Pero walang lugar ang lungkot sa akin ngayon. Papatayin lang ako noon kung magmukmok ako. Tama na ang minsan akong umiyak sa isiping ulila na ako sa magulang. Simula ngayon ay kailangan ko nang matutunang mabuhay ng wala sila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa pinakamalapit na bakery. Mabuti't wala masyadong pinagbago ang lugar dahilan para hindi na ako mahirapang maghagilap sa pupuntahan. Sa daan ay nakasalubong ko ang iilang kakilala. Pare pareho silang bumabati sa pagbabalik ko at nagpapadala ng pakikiramay sa nangyari sa aking ama.

Gaya ng plano ay bumili ako ng pandesal para sa umagahan. Pabalik ako ng makitang may mga kabayong dumaan sa malubak na kalsada. Hindi na ako nagulat dahil madalas iyon dito. Tulad ng dati. Kung hindi mga alagang kabayo ay mga kalabaw ang pinapanood namin.

Nakita ko sa kabilang gilid ng kalsada ang mga batang aliw na aliw dahil doon. Manghang mangha ang mga bata habang pinapanood ang mga kabayong sinusunod ang direksyong gustuhin ng kanilang amo.

Hindi ko mapigilang pagkumparahin ang sarili sa kanila. Malamang ay ganyang ganyan din ako noong mga nasa edad nila.

Nagpatuloy ako sa paglakad pauwi bitbit ang plastik na may lamang pandesal.

The Burden BeastWhere stories live. Discover now