The Burden Best -C21

156 4 0
                                    

(Chapter 21)

'I TOLD YOU'

Halos dilat ang mga mata ko habang nakahiga sa mahabang couch sa sala. Kanina pa ako nakahiga dito matapos kumain ng hapunan. Walang signal kaya hindi ko din magawang makapanood ng telebisyon. Ayun tuloy ay nauwi ako sa pagmumuni muni sa huli.

Binalingan ko ang orasan na nasa taas ng pintuan. Mag aalas nuebe na pero wala pa ding Eren ang umuuwi simula kanina. Aaminin kong nag aalala ako na baka may nangyaring hindi maganda. O di kaya ay tuluyan na syang umalis ng walang paalam.

Pero sa kabilang banda ay iniisip ko din na nagsabi naman syang baka gabihin sya... at hindi naman siguro sya aalis nalang basta at iiwan ang mga gamit dito.

Sana nga...

Paano nya nasabing may gusto ako sa kanya? Paano ba iyon malalaman? Sa itsura? Sa kilos o galaw? Anong dahilan para masabi nyang may gusto ako sa kanya gayong alam ko sa sarili kong wala naman talaga? Oo, aaminin kong nagagwapuhan ako sa kanya dahil hindi naman talaga maitatanggi yun. Pero ibig sabihin ba nun ay may gusto na ako sa kanya?

At kung meron man, hindi ba dapat ako ang unang makakaalam nun?

Ang gulo!

Naputol ang paglalayag ng isip ko ng marinig ko ang maliliit na patak ng ulan mula sa bubong. Napaayos tuloy ako ng upo sa couch. Mas lalo akong kinabahan ng marinig kung paanong ang maliliit na patak kanina ay nagbigay ng matutunog na ingay ng bigla itong lumakas.

Umuulan na. Pero wala pa din sila.

Napatayo na ako at nagpalakad lakad sa sala. Sinubukan kong buksan ang pinto upang tanawin ang labas. Pero nang salubungin ako ng malamig at mamasa masang hangin ay agad kong isinara ang pinto. Inilock ko iyon gaya ng utos ni Eren. Hindi pa nagtagal ay muli akong sumilip sa pinto pero masyadong malakas ang ulan at wala akong makitang iba bukod sa mga ilaw sa kalapit na bahay.

Sinarado ko muli ang pinto at doon na kinabahan ng sobra.

Nakakabayo lang sila? May payong kaya sila? Baka abutan sila ng ulan sa daan? May masilungan kaya sila?

Nakagat ko ang pang ibabang labi. Wala sa sarili akong naglakad sa kusina habang yakap ang sarili dahil sa lamig na dulot ng malakas na hangin. Nanunuot iyon sa balat pero binalewala ko lang iyon.

Kumuha ako ng takure at nagsimulang magpa init ng tubig. Para kapag nagkape si Eren ay hindi na kailangan pang mag init.

Talagang hinintay kong kumulo iyon bago sinalin sa termos. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ding Eren ang kumakatok sa pinto. Ang ulan sa labas ay nagpatuloy sa pagragasa. Mas lalo iyong nagdulot ng matinding pangamba sa aking sistema.

Labasin ko na kaya? Baka makasalubong ko sila sa daan?

Huminga ako ng malalim bago mariing napapikit. Sa huli ay nagdesisyon akong kumuha ng payong sa gilid at agad nagtungo sa pinto.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at agad akong sinalubong ng may kalakasang hangin. Pero buo na ang desisyon kong sundan sila bagaman hindi ko talaga alam ang lugar. Magbabakasakali lang akong makasalubong sila sa daan.

Binuksan ko ang payong habang nakatanaw sa hindi kalayuan. Ang mga ilaw sa kalapit na bahay ang magsisilbi kong liwanag para makita ang maputik na daan. Isinarado ko ang pinto at saka sumulong sa may kalakasang ulan. Hinayaan kong maputikan ang tsinelas ko pataas sa binti.

Nilakad ko ang bukirin hanggang sa marating ko ang medyo sementadong daan. Nakita ko ang iilang tindahang nagsisimula ng magsara dahil sa ulan. Tinanaw ko mula sa malayo ang daang tatahakin sana. Siguro sa pwesto kong ito ay kayang kaya kong suungin ang ulan dahil may ilaw. Pero ang bandang dulong hindi naabot ng liwanag ay talaga namang nakakatakot.

The Burden BeastWhere stories live. Discover now