Chapter 5

98 14 0
                                    

Dominic's POV

Mag-iisang linggo na ngayongaraw na ito yung nangyari sa amin between Mary Kris and I sa locker area. Wala naman akong nararamdaman at nakikitang nagmamasid sa akin, siguro kinalimutan na yun ni Mary Kris since di naman masyadong big deal yun eh, in fact siya pa yung may kasalanan. Di ko rin nakikita si Radcliffe ditto sa school even his colleagues sa gang nila.

Nandito ako ngayon sa likod ng Villarama IS, para kumain, ayoko munang magpakita ngayon sa maraming students dun sa canteen, kasi nagbaon lang ako ng pagkain for my lunch, since I need to make tipid kasi nauubos na rin yung allowance ko kabibili ng projects namin, at next month pa magpapadala si itay ng allowance namin ni Dianne, buti na rin to at masarap, siyempre ako nagluto eh.

Umiiwas na rin ako sa gulo, baka ano pang sabihin ng mga tao dun. Pagkatapos kung kumain ay agad akong pumunta sa library since may free time pa naman ako. Nag advance reading ako para sa last subject naming kasi baka may surprise quiz na naman.

Nandito na ako sa bodega ng school namin para kunin yung mga gamit pang linis, buti na lang talaga at nagbasa ako kanina, kasi ako lang yung nakakuha ng pefect score sa quiz, di talaga masasayang yung effort ni inay at itay. Nakaassign ako ngayon para maglinis ng office ng may ari ng school, si Mr. Villarama, kinakabahan talaga ako sa tuwing ako ang maglilinis dito kasi baka may mawala o mabasag, mukhang mamahalin pa naman ang mga gamit dito. Mabait naman si Mr. Villarama di nga lang kita sa mukha niya kasi kung di mo siya kilala at nakita mo siya iisipin mo talaga na istrikto siyang tao.

Binilisan ko na lang maglinis na may halong pag-iingat, habang dala dala ko na yung gamit panglinis palabras ng office, pumasok naman si Mr. Villarama, "o Dominic, ikaw pala yung maglilinis dito ngayon, buti nalang at naabutan pa kita dito ngayon, hinahanap kasi kita" sambit niya, kinabahan naman ako sa sinabi niya at nagtataka bakit niya naman ako hinahanap.

"Ahh, sir bakit niyo po ako hinahanap? May ka-kasalanan po ba ako?" sabi ko na nanginginig at nauutal pa

Tumawa naman si Mr. Villarama, "hahahaha, naku iho, wala kang kasalanan, may ibibigay lang sana ako sa iyo at sa iyong kapatid"

" ahh ano po yun sir" biglang nabuhayan ang loob ko kasi nawala na yung kaba ko

"heto, tanggapin mo, mga libro iyan na tiyak kong magugustuhan niyong dalawa ng kapatid mo, alam ko naman na mahilig kayo diyan" inabot naman ni sir ang dalawang paper bag

"ahh naku sir, nag abala pa kayo, pero salamat po kasi malapit na rin kasi akong matapos sa nobelang binabasa ko"

"wala yun iho, di na rin kayo iba sa akin, habang buhay ako magpapasalamat sa ginawa ng iyong ama sa aking pamilya"

"naku sir, wala yun, gibuhat lang ni itay ang tama ug naluoy sad siya sa duha nimu ka apo, ahh sige sir mauna na ako baka naghihintay na ang kapatid ko sa bahay"

Translation: ginawa lang itay kung ano ang tama at naawa siya sa dalawa mong apo

"ah sandal iho, may ibibigay pa ako, itong pera tanggapin mo para may extra allowance pa kayo ng kapatid mo" sabi ni sir, bakas sa kanyang mukha na masaya siya at bukal sa loob niyang binibigay ang pera, hindi ko sana tatanggapin pero alam kong hindi siya papaya na tanggihan ko yung alok niya, kaya tinanggap ko kasi malaki rin tong tulong sa amin. "salamat po sir, pangako po pagdating ng panahon ay babawi po ako, mauna na ako, maraming salamat ulit" sabi ko, at ngumiti na lang siya.

Nandito na ako sa kanto malapit sa amin ngayon, pero may kakaiba akung naramdaman, nakita ko sa isang salamin ng shop na may isang lalaki na naka itim na sinusundan ako. Hindi ito maari, ito na ba yung sinasabi ni Mary Kris, pero bakit ngayon pa? hindi ko to inaasahan. Hindi ako nagpahalata na alam kong sinusundan niya ako. May naisip akong paraan para takas an siya at hindi niya pwedeng malaman kung saan kami nakatira. Kailangan ko siyang iligaw, pumasok ako sa isang eskinita at tumakbo ako, ng may makita akong isang pader, nagtago ako doon. Laking pasasalamat ko at hindi ako naabutan ng taong yun.

If He Only KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon