Chapter 8

89 11 3
                                    

Stella's POV

Since ayoko pang umuwi, naglakad na lang ako papunta sa bahay para na rin makapag isip isip ako.

Mga 10 minutes na rin akong naglalakad ng biglang may humila sa bag ko at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg ko.

Naku! Lord help me! Mangiyak ngiyak na sabi ko sa sarili ko.

"wag ka ng lumaban pa, kung hindi sa basurahan ka na pupulutin bukas" sabi ng magnanakaw

"o-opo kuya, a-ano po bang kailangan niyo" sabi ko habang umiiyak

"ibigay mo lang sa akin itong bag mo ng maayos at yung cellphone mo at patatakasin kita"

"opo kuya, basta wag mo lang akong saktan parang awa mo na po"

Nagulat nalang ako ng makita ko ang kasama ng magnanakaw na nakahiga na, diyos ko po parang ito na ang hinihiling kong tulong, salamat Lord.

"bitiwan mo siya at wag na wag mo siyang saktan kung hindi lagot ka sa akin" sabi ng lalaking naka jacket at may takip ang kanyang mukha kaya di ko siya nakilala.

"hayaan mo akong makatakas o sasaktan ko tong babaeng to"

Pero yung lalaki mukhang hindi siya natakot sa magnanakaw at basta na lang siyang sumugod, kaya napasigaw nalang ako.

"mamaaaaaa" sigaw ko, laking gulat ko ng parang may humapdi sa gilid ko

"ang sakit, may du-dugo"

Parang hihimatayin ako dahil takot ako sa dugo, huling nakita ko nalang ay nakahilata na yung mga magnanakaw at tinatawag ako ng lalaking naka jacket, teka kilala niya ako?

-----------------

Nagising ako dahil sa pananakit ng tagiliran ko, pagmulat ng aking mata ay nasilaw ako sa ilaw, teka patay naba ako?

"Stella? Buti na lang at nagising kana, thanks God" sambit ni Kuya

Nandito pala ako sa hospital, at kasama ko ngayon si Dad and Kuya, di na ako nagulat ng wala si Mommy kasi palagi naman siyang wala everytime I need her, busy siya sa business palagi.

"anak okay ka na ba?" dad said

Tumango nalang ako, sumasakit kasi ang gilid ko everytime na gagalaw ako. Teka, paano ako napunta dito?

"ahhh D-dad? sin-sinong nagdala sa akin dito?" pinilit kung magsalita para malaman ko sinong nagdala sa akin dito

"anak, di namin alam eh, tinawagan nalang kami ng staff ng hospital at sinabing nandito ka, ng tanungin namin sila kung sino ang nagdala sayo dito ay lalaki raw pero umalis agad kaya di na nila natanong ang pangalan" mahabang paliwanag ni Dad

"s-siguro po yung t-tumulong sa a-akin p-para makaligtas ako sa magnanakaw" nauutal na sabi ko

"ahh oo nga pala Stella, nahuli na rin yung mga taong may gawa nito sayo" kuya said

"salamat naman, gusto ko pa sana magpasalamat sa lalaking tumulong sa akin kaso diko man lang siya nakilala." Sabi ko

"wag mo na isipin yun anak, ang mahalaga ligtas ka" si dad

"thanks dad, kailan po ako makakalabas dito dad, okay naman na po ako, medyo masakit lang ng konti"

"sabi ng nurse anak, maaari ka ng lumabas mamayang umaga kasi may gagawin pa sila sayo, para icheck ka kung okay ka na ba talaga, kaya magpahinga ka na muna nandito lang kami magbabantay sayo"

Kilalang kilala talaga ako ni Dad, alam niyang takot ako sa dugo at sa hospital.

"ahh dad, makakasali pa diba po ako sa sportfest bukas? Kailangan po ako ng teammates ko dad" kinakabahang sabi ko

If He Only KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon