Chapter 4

129 14 21
                                    

Stella's POV

Isang linggo ng paulit ulit ang routine ko sa bahay at sa school, ni wala na nga akong oras para makapaglibang at lalong lalo na sa mahal ko, si Jake, buti na lang napakamaintindihin niyang tao, kaya mahal na mahal ko siya eh. Sa lunch time na rin kami nagkikita dahil sa kawalan ng oras pareho kaming busy sa kanya kanyang events na kinabibilangan namin, minsan rin dinadalaw niya ako sa practice namin pero pilit ko sinasabi sa kanya na magpahinga na lang kasi alam ko na pagod siya, miss na raw niya ako, kaya noong lunes nagpaalam ako sa leader namin sa dancetroupe na hindi ako makakapagpractice kasi hindi maganda ang pakiramdam ko, yun lang ang paraan ko para makapag date naman kami ni Jake, kaya nagsinungaling ako, ganyan ko siya kamahal.

Araw ng huwebes ngayon, kaya 6:30 AM na ako bumangon kasi 8 pa yung call time namin sa Volleyball Team ko, mamaya pa naman ako afternoon class papasok kasi gaya ng sabi ko alternate akong pumapasok. Tiningnan ko muna yung phone ko kung may mga text ba at calls, marami akong natanggap na text pero kay Jake lang yung tiningnan ko.

Jake Baby

Good Evening babe, matulog ka na kasi alam kong pagod ka I love you <3

10:39 sent

Good morning babe. Don't skip your breakfast. I love you baby kong maganda. <3

6:00 sent

Kinikilig talaga ako everytime Jake says I love you to me, even na sa text lang yun, kaya I replied sa kanya na "thank you babe for always making me happy, don't skip your breakfast as well, remember that kahit anong mangyari I always love you with all my heart". Sent

Agad akong bumaba pagkatapos ko siyang replyan, kasi nag iingay na naman si Sky, yung alaga kong aso.

Arff...afffff

"yes baby, halika dito kay mommy, let's play" sabi ko sa kanya, agad naman siyang tumakbo at tumalon papunta sa akin. Matagal ko na rin hindi siya nalalaro kasi sobrang busy ko the whole day at pag gabi naman pagod ako. "I'm sorry baby, wala masyadong time si Mommy sayo, promise I'll make bawi after my events" sambit ko habang hinihimas ko yung tiyan niya.

Arfff arff arfff

Sunod sunod na tahol si Sky, na para bang sinasabi niya he's excited na mangyari yun, miss na miss niya na siguro ako. By the way, Sky is Jake's gift on our first monthsary.

Pagkatapos namin maglaro ni Sky, agad akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko dining area ay kumakain na sila, umupo nalang ako sa upuan ko at kumain. Hindi masyado akong tumitingin sa kanila lalo na kay grandpa baka may masabi at maipintas na naman siya sa akin. Pagkatapos kung kumain ay agad akong nagpahatid kay mang Arturo.

Pagkadating ko palang sa Roland IS, ay marami na agad akong bulong bulungan na mga naririnig, ano kaya ang nangyari, parang yung iba ay nakatingin pa sa akin, hindi ko nalang sila pinansin. Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko ang grupo ni Kate at Cloe. Parang may iba sa kanila ngayon. "hi Stella" sabay pa nilang bati sa akin. Nagulat ako sa inaasal nila, para bang may mali. Di ko na lang sila pinansin at inirapan ko sila. "galingan mo sa volleyball, we'll be cheering you" cloe said. "hello Cloe, I'm Stella V. Buenavista, I don't need to do that, kasi magaling na talaga ako, kaya bakit ko pa gagalingan kong magaling na ako" sabi ko may halong tawa pagkatapos, sabi nga nila inisin mo pa lalo yung taong naiinis sayo para sumabo na sa inis, hahaha, after that parang na shock pa si Cloe at susugudin sana niya ako pero Kate stopped her, "Cloe, stop that, ahh Stella pasensya na kay Cloe ha, I hope you understand her" sabi ni Kate. Imbis na sagutin siya ay pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad ko, pero may napansin ako sa may malayo na nakatingin sa amin pero hindi masyado kita yung mukha niya, nakatago siya sa may pader at kalahati lang ng mukaya niya yung nakikita.

If He Only KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon