Chapter 3

126 19 22
                                    

Pagkatapos namin magpractice sa dance studio, nagbihis agad ako kasi baka naghihintay na yung sundo ko sa parking lot.

Habang naglalakad ako sa hallway, tumawag si Daddy sa akin, sinasabi niya that we have a dinner with our family's close friends kaya di ako masusundo ni Mang Arturo, I have to commute na lang daw since malapit lang naman raw yung restaurant na kakainan namin.

So agad akong lumabas ng school at nakipag-agawan ng taxi sa ibang commuters. Pang apat na taxi na ang dumaan pero hindi ko pa din sila maunahan sa pagsakay, yung isa pa nga minura pa ako. Hanggang sa pitong pagkakataon nakasakay ra rin ako, kaya ayokong mag commute eh, nasisira yung beauty ko.

Malapit na ako sa resto na sinasabi ni Daddy, dito siguro nila naisipan na magdinner kasi malapit lang sa work nila, ako pa tuloy ang nagcommute.

Pinahinto ko na sa tapat ng daan si manong Driver kasi if liliko pa kami mukhang matatagalan pa kami since traffic kasi rush hour.

Pagkababa ko sa taxi ay agad akong tumingin sa traffic light at ang swerte ko kasi naka red pa yung light, agad akong tumawid sa pedestrian.

Pero paglingon ko sa kanan ko may isang motorsiklo na humarurot na para bang di alintana yung traffic light, mabilis ang mga pangyayari kaya pumikit nalang ako.

May humila saakin at natumba kaming dalawa, nagkatititgan kami, para bang nag slow motion yung paligid ko at nagulat ako bakit ko ba naramdaman yun, agad akong tumayo at nakita ko ang kabuuan ng lalaking to, ang pangit ng suot mukhang di niya alam yung uso ngayon, dzuuh.

"bakit mo ko hinawakan? Ang dumi dumi mo, yuck, umalis ka na nga diyan!"

"wow huh, salamat kasi niligtas kita, kundi dahil sa akin nakabulagta ka na diyan sa daan" sabi ng lalaking niligtas ako.

"hindi ko kailangan ng tulong kuya, kaya pwede ba umalis ka na, YUCK, ang baho mo!" sabi ko na nandidiri pa.

"eh ikaw, maganda ka nga, ang sama naman ng ugali mo, makaalis na nga, mag ingat ka sa susunod! Salamat ulit!" sambit ng lalaki, duh bahala siya, ang pangit at baho niya.

Agad naman akong naglakad kasi pingasisigawan na kami ng mga drivers kasi naka go na yung light.

Pagpasok ko pa lang sa R & P Restaurant kinuha ko muna yung pabango ko at agad naman akong kinawayan ni Kuya Pete

"Stella? Dito."

Umupo agad ako kasi nasa akin ang atensyon ng lahat.

"oh, Stella bat ganyan ang mukha mo? May nangyrai ba?" sambit ni Dad.

"wala po Dad may lalaki lang pong mabaho sa labas, nilapitan ako, wag niyo na pong isipin yun" pagsisinungaling ko.

Marami silang pinag uusapan about business and different events na nangyari, di naman ako nakikisali sa usapan baka ano pa masabi ng family friends namin.

------------------------------

Dominic's POV

Pagkatapos ng last subject namin kaninang hapon ay pumunta agad ako sa library para mag advance reading at gumawa ng assignment.

"bakit nandito yang hampaslupa na yan, tara na nga bukas nalang tayo magbasa dito sa lib baka mahawa pa tayo sa kanya"

Sabi ng dalawang babae, nilingon ko sila at hindi ako nagkakamali ako nga ang pinag uusapan nila, hindi ko na lang sila pinansin, magsasawa rin siguro sila.

Mga ilang oras rin akong nanatili sa lib bago ko napagdesisyunan na tumulong sa mga janitors para maglinis ng mga cr dito sa Villarama IS.

Habang naglilinis ako ng cr dito sa second floor ng secondary aksidente akong nabangga ng isang janitor na may dalang basura para itapon, kaya ayon natapon sa aking damit, wala pa naman akong dalang extra damit ngayon.

"Sorry Dom" sambit ni Kuya

"Okay lang kuya di mo naman sinasadya eh" yun lang ang nasabi ko.

Ayaw ko naman pagalitan si kuya kasi aksidente yun. Binilisan ko na lang yung paglilinis para naman makauwi ako at makaligo, ang baho ko na tuloy.

Nasa labas na ako ng school ng may nakita akong isang magandang babae na lumabas sa taxi malapit dito. Binilisan ko ang paglalakad para makita ko siya ng mabuti, medyo madilim kasi dito.

Nang tumatawid yung babae parang may hinahanap siya sa bag niya, di niya tuloy nakita na may paparating na motorsiklo, nakita niya lang ito ng malapit na, tumakbo ako para hilahin siya, at nagtagumpay naman ako na maligtas siya, di ko alam na matutumba pala kami, kaya nasa itaas ko siya ngayon, nagtitigan kami, ang ganda talaga niya at ang amo ng mukha.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"bakit mo ko hinawakan? Ang dumi dumi mo, yuck, umalis ka na nga diyan!" sambit ng babaeng ito

Akala ko pa naman mabait to, parang anak mayaman rin kasi the way she talked to me ang OA masyado, at siya pa tong may ganang magalit siya na nga tong tinulungan

"wow huh, salamat kasi niligtas kita, kundi dahil sa akin nakabulagta ka na diyan sa daan" sabi ko na may halong inis, di na lang nagpasalamat

"hindi ko kailangan ng tulong kuya, kaya pwede ba umalis ka na, YUCK, ang baho mo!" sabi ng babaeng feeling perfect

Mas lalo akong nainis sa pinagsasabi ng babaeng ito, di pwedeng may nangyari lang kaya mabaho ako, ang judgemental naman nito.

"eh ikaw, maganda ka nga, ang sama naman ng ugali mo, makaalis na nga, mag ingat ka sa susunod! Salamat ulit!" sarkastiko kong sambit.

Naglakad agad ako papalayo sa kaniya baka ano pang masasakit na salita ang masabi niya sa akin, sayang yung ganda niya.

Ang malas ng araw na ito, ang daming masamang nangyari, buti pa sa isla namin, wala masyadong gulo at tahimik pa.

Pagdating ko ng bahay, agad akong naligo dahil pati ako nababahuan na rin sa sarili ko, buti na lang rin nagluto si Dianne ng dinner namin para na rin siguro wala na akong masyadong gawin ditto sa bahay.

"Salamat Dianne ha" sabi ko

"kuya, tabang na sad ni naku kay wala baya ko nimu gipatabang na manlimpyo sa eskwelahan, para sad wala na kay trabaho dria kay kabalo ko gikapoy ka" sambit ni Dianne.

Kaya mahal ko siya eh, niyakap ko nalang siya at kumain na kami, siya na rin yung naghugas ng pinagkainan namin.

Translation: kuya, tulong ko na rin to sayo, kasi hindi mon a ako pinatulong para maglinis sa school, para rin wala ka ng trabaho ditto sa bahay kasi alam kong pagod ka

Di agad ako natulog, dahil hanggang ngayon iniisip ko yung nangyari kanina, yung nabangga ko si Mary Kris, kinabahan ako baka tutuhanin niya akong isumbong kay Radcliffe pero Roy ang tawag sa kanya para hindi raw malaman ng iba na siya yung leader ng gang kaya gumamit siya ng alyas, pero alam ko na siya yun kasi nakita ko sila minsan na may binubugbog dun sa may kanto.

Hindi rin mawala sa isip ko yung magandang babae kanina, kahit masama ang ugali niya, parang gusto ko na siya, may kakaiba kasi sa kanya, kung ano man yun sana malaman ko, sana rin Makita ko pasiya ulit, ito na ba yung tinatawag nilang love at first sight?

-------------------------

To be continued.........

Facebook: Rophil Casuno

Instagram: philcasuno_8

Twitter: PPhilCasuno

HAVE A GOOD DAY

see you next update

If He Only KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon