"Tikki"
"Tikki"
Nagising ako sa tawag ng mama ko. Nickname ko sa bahay tikki. Kasi pag umiiyak daw ako dati pag tinatawag nila akong tikki tumatawa daw ako. Ngayon di na ako natutuwa sa tikki.
Di ko sya pinansin gising na ako pero nakapikit pa yung mata ko at wala akong balak bumangon. Sarap kaya matulog..
"Babangon ka diyan o bubuhusan kita ng malamig na tubig?!" pagbabantang sabi ng mama ko.
"Baaaakiiit?" tamad kong sagot sa mama ko.
"Aba! Tanghali na aber! Bumangon ka na diyan.. Naglalaba ako."
"eeehhhh. Ano ba yan!?" bulong ko habang palabas si mama ng kwarto.
I fix may bed before I go to the toilet.
"Tanggalin mo na ung bedsheets mo at kurtina nang malabahan na." sigaw nag mama ko galing sa laundry area.
Maliit lang bahay namin. Kaya pag sumigaw ka sa kabilang dulo rinig padin kahit nasa kabilang dulo ka.
"Opo!"
"Saan si papa, ma?" pagtataka kong tanong
"Umalis, namalengke"
Ang sweet ng papa ko, sya namamalengke tuwing linggo at si mama naman ang naglalaba. Ako? Taga luto nilang dalawa. Only child lang kasi ako. Walang kapatid, kapatid sa labas syempre wala din.
Mag 18 years old na ako wala pading kasunod. Ang boring ang mag isa huh. Walang ibang mautusan kundi ako lang. Walang ibang mapapansin kundi ako lang. Kaya di pwedeng tumakas kasi mabubuking walang akong kasangga eh.
"Ma, andito na si papa!" sigaw ko sa mama ko na naglalaba sa likuran.
"Anong binili mo pa?" usisa kong tanong sa kanya habang kinakalkal ang pinamalengke nya.
"Syempre ung paborito ng paborito kong anak" ngiti nyang sabi habang ginugulo nya buhok ko.
"Pa!" maarte kong tawag sa kanya.
"kulot na nga ako, guguluhin pa ung buhok ko." sabay haba ng labi ko.
"HAHAHAHAHHA! kakagising mo lang ano?"
Change topic agad? trip akong inisin ng papa ko. Yun ata ang way nya para ipaalam sakin na mahal nya ako. Pero wag mong gagalitin yan at masasampal ka.
"Kung di ko pa ginising di pa babangon yan"
Lumingon kaming dalawa ni papa kay mama.
"Anong nabili mo hon?" lambing na tanong ni mama.
"Ang mahal ng baboy, manok at isda ang nabili ko. Mga gulay, pang rekado at tinapay. May bigas pa naman tayo diba? Tska yung pinabili ng anak mong mahilig magluto ng kung ano-ano" sabay kindat sakin.
Natutuwa ako pag naguusap ang mga magulang ko. Ang sweet nila. Never ko pang nakita na kiniss ni papa si mama sa lips. Lagi na lang sa sintido. Pero pag magkasama sila makikita mo sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Ang sarap nilang tignan.
Sana ako din makahanap ng kagaya ng papa ko. Mabait, maalaga, masipag, mapagmahal, supportive at higit sa lahat GWAPO! Hihi
"Anong tinatayo mo diyan. Ayusin mo na ang pinamili ng ama mo at magluto ka na. 11am na. Gutom na ako." nakatingin sya sa akin with make-it-fast-or-i-will-eat-you look.
"Ano pong lulutuin?" lambing kong tanong sa mama ko.
"Kung anong gusto mo!" sigaw ni mama na nasa labahan nya na.
BINABASA MO ANG
Sorry, Who Are You?
RomanceHi! My name is Tiffany, join me to follow my heart to find my one true love that I accidentally forget about. Do I regret that I remember him again or I will thank the stars that we are destined to be together. (word count 1000 - 1700 per chapter)